#CallYouMine

1.3K 72 3
                                    

Ash.

Alam nyo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?

Sa sobrang shocked ko parin, di ako makapagnarrate ng maayos.

Kaya, shoo! Tsupi! Dun nga muna kayo at ipapasink in ko muna sa satili ko ang mga nangyari!

Xavier.

Pagkalabas ko ng fitting room, wala na si Ash dun.

Hahanapin ko sana sya, kaso tinamad ako. Kaya, hayaan nyo na sya dun. Marunong naman yun umuwing mag-isa.

Binayaran ko na ang mga pinamili ko tapos lumabas na ako ng department store at nagikot ikot lang sa mall.

Nagtake out lang ako sa KFC tapos umuwi narin ako. Boring naman kasi dun eh. Pumunta lang naman ako dun para alalahanin ang mga moments namin ni Shaem.

Haay. Miss ko na talaga sya. Sobra.

Gusto ko namang magpaliwanag sa kanya eh, kaso ayaw nya akong pakinggan.

*beep*

1 new message
From: Toffer panget
Sn ka? Punta k d2 sa bhay.

To: Toffer panget
k

Panget naman talaga si Toffer eh. Ako lang naman ang gwapo saming apat. Lol. Sige na nga. Gwapo din sila. Lamang nga lang ako ng 100 paligo.

Tulad nga ng sinabi ni Toffer, pumunta na agad ako dun sa kanila. Pinapasok naman ako agad ng maid.

"Oy, bakit--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Ken.

Hindi naman ako galit sa kanya eh. Gusto ko syang tadyakan dahil sa makitid nyang utak pero hindi naman ako galit.

"Mag-usap kaya kayong dalawa? Miss ko na ang Playmates eh." sabi ni Toffer tapos hinila si Lanz palayo. Kaya naiwan kaming dalawa ni Ken dito.

Naglakad sya papunta sakin hanggang sa magkahatap na kaming dalawa. Tapos nilagay nya ako kanang kamay nya sa pisngi ko.

"Pare, mahal mo raw ako~"

Aba't!! G*go to ah! Ayun, inupakan ko nga.

"Wtf, Ken?!" sigaw ko tapos tinapi yung kamay nya.

"Toh naman, di na majoke." sabi nya lang.

"Sorry nga pala ah?" sabi ko naman, "Ikaw kasi eh, ang kitid ng utak mo."

"Aba, ako pa sinisi mo?!" sagot nya, "Pero seryoso, Xavier, ano ba kasi talaga yun?"

Ayun, kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari, simula sa pagsunod namin ni Ash sa kanya hanggang sa part na namisunderstand nila yung trip namin ni Ash.

"Ahh. K." sabi lang ni Ken.

"Ang haba haba ng istorya ko tapos, K lang isasagot mo?!" nanlalaki ang matang tanong ko.

"Oy, sinungaling ka!! Sabi ko, ahh k. Hindi K lang! May ahh pa! Wahh! Sinungaling!" sigaw naman nya habang tinuturo turo pa ako.

"Ewan ko sayo." sabi ko nalang.

Ang saya pala sa feeling na muli kaming nagkabati. Parang wala nang burden, parang-- tae, ang drama.

Nagkwentuhan lang kaming apat dun tapos lumipat kami sa condo ni Ken kasi mas may freedom kami dun. Nandito kasi parents ni Toffer kaya ayun.

Inimbitahan namin sina Skye at si Alex. Ewan ko ba kung inimbitahan nila si Shaem. Parang feeling ko kasi, magiging awkward lang.

Si Ash naman, kanina pa kami tawag ng tawag, katok ng katok lahat ginawa namin pati split at tambling pero walang sumasagot. Kaya hinayaan nalang namin.

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon