Ken.
Magkaayos na sina Xavier at Shaem ngayon..
Sila parin nina Skye at Toffer..
M.U na sina Alex at Lanz..
Kami ni Ice? Haaay buhay. Ewan ko ba. Nahihiya ako sa kanya eh.
Pero bestfriend ko sya ng mahigit isang dekada! Ngayon pa ba ako mahihiya?!
Pero ewan ko ba. Natapos ang party na yun ng hindi man lang kami nakapagusap. Nauna kasi syang umiwi kasi pagod daw sya kasi kararating lang ng kambal nya mula NY.
Close kami ng kakambal nyang yun eh. Sya kaya yung tanungin ko? Besides kasi sakin, sya yung mas nakakakilala kay Ice. Duh? Malamang Ken. Kakambal eh. Tsk.
Haay. Ewan ko ba, makatulog na nga at may pasok na bukas!
---
*kriiiiing*
Tinatamad pa akong gumising..
*kriiiiiiiiiiiing*
Haay. Pero kailangan! Gigisingin ko pa pala si Ice ko-- Tsk. Oo nga pala, lq parin kami.
Nagayos na ako, kumain tapos lumabas na ako ng unit ko. Sakto rin paglabas ko, lumabas din sya mula sa unit nya. Pero hindi sya naka-uniform. Parang kakagising nya lang. Bibili siguro ng almusal.
Tinignan ko ang relo ko at hindi pa naman ako malelate kaya, sinundan ko muna sya. Pero di ako nagpahalata.
Pumasok sya sa elevator tapos kaming dalawa lang dun. Wala lang, awkward lang.
Lumabas agad sya sa elevator nung tumigil na ito sa ground floor tapos agad syang tumawid papuntang kabilang kanto, papasok sa 7-11. Syempre ako naman di pahalatang sinusundan sya. Kunyare daw may kausap ako sa phone.
Bumili sya ng cup noodles tapos ice cream. Wtf? Gusto nya atang masira ang tyan nya? Tapos nagorder din sya ng hotdog. Nung nakuha nya na yun, nagbayad na sya tapos umupo na.
Nag-order din ako ng hotdog tapos nagbayad at tumabi sa kanya sa table nya.
Nagtataka naman syang napatingin sakin.
"Bakit? Wala nang ibang upuan na available eh." Sabi ko nalang tapos tinignan nya ang ibang table na wala namang nakaupo. Actually kaming dalawa nga lang nandito eh. Except sa cashier at guard.
Nagpatay malisya nalang ako tapos di pinansin ang nagtataka nya paring tingin.
Haays. Kailangan ko na talaga syang kausapin. Bahala na si batman. Kita nyo na! Nadamay ko pa tuloy si batman. Kawawang batman, sa kanya nalang parati binibigay ang mga problema.
"Ice..." panimula ko. Kinakabahan ako eh. Paano nalang kung ayaw nya na sakin?! Diba?! Haay. Ano ka ba, Ken! Syempre gusto ka parin ni Ice! Ang gwapo mo kaya! Kalma lang!
Nakatingin lang sya sakin. At nakatingin din ako sa kanya. Nagtititigan lang kaming dalawa dito..
Pero wala eh, sobrang kinabahan ako, napatakbo nalang ako ng wala sa oras. Tapos agad akong sumakay ng jeep papunta sa school.
Wtf naman Ken?! Ano yun?! Haay. Kabwesit naman oh! Sigurado na wiweirdohan na sakin yun! Ewan ko ba kung bakit nagkaganun ako.
Pagdating ko sa classroom namin, sinalubong ako agad ng anim. Sila lang yung tao dito sa classroom.
"Di mo kasama si Ash?" Tanong ni Skye.
"Wag mong sabihin na hindi parin kayo bati?" Tanong naman ni Alex.
"Ang slow mo naman Ken!" Sabi naman ni Lanz.
Hindi ko nalang sila pinansin, "Nasaan yung iba?" Tanong ko nalang.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...