#Promise

1.1K 74 6
                                    

Skye.

Eto ang mahirap kapag nagaway ang mga kabarkada mo eh. Kasi nahahati ang tropa. Peste.

Pagkatapos ng away session nilang apat, na hindi ko parin alam kung ano ang dahilan, dumiretso kami sa gym. Hindi kasi pwedeng umabsent dito. Kahit bali yang mga buto mo o wasak ang utak mo, kailangan mong pumasok. Kaya eto, kahit may mga pasa tong apat na to, pumasok parin sila.

Nasa magkabilang side nga pala yung apat. Bale parang ganito yung sitting arrangements oh, Xavier-Ash-Ako-Toffer-Lanz-Alex-Shaem-Ken. Yan. Ang awkward nga eh..

Silang apat, may mga hawak lang na ice pack. Tapos kanina, nung tinanong ni mam kung saan kami galing dahil nalate kami, sabi lang namin, kakarating lang namin ng school tapos may nantrip samin at nabugbog yung apat. Basta ganun. At dahil medyo shunga si maam, ayun, naniwala naman ang gg.

Haay. Mabuti nalang kanina at dumating kami dun. Kung hindi siguro, baka basag na ang bungo ni Ash. Haay naku. Ewan ko ba sa apat na yan.

"Today, the girls will play volleyball." Sabi ni maam. Nag-groupings kami at sa kinasamaang palad nga naman, kasama ko sina Alex, Ash, Shaem, Fiona at Lorraine. Tsk. Buhay pa pala tong si Lorraine na to?

Pumwesto kami sa court tapos si Fiona ang nagse-serve. Nung nagserve na sya, tumama ang bola kay Ash na nakapwesto malapit sa net.

Walang hiya tong nerd na to, mainit pa naman ulo ni Ash. Pero surprisingly, hinayaan lang yun ni Ash. Tinignan nya lang ng masama si Fiona. Nagpeace sign naman ang g*ga tapos kinuha ulet yung bola.

Pinalitan namin at si Shaem nalang ang pinag-serve namin. Magaling kasi syang mag badminton. Haha. Anong konek?

Nung nag-serve sya, tumama din ang bola sa ulo ni Ash. This time, sa sobrang lakas ng impact na binigay nung bola, natumba si Ash.

Lumapit ako at si Alex sa kanya. Tapos tinulungan namin syang tumayo.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko. Nagpoker face naman si Alex sakin.

"Malamang siguro, Skye noh? Sayo ko kaya itama ang bola?" Sabi ni Alex. Nagpeace sign naman ako.

"Sorry naman diba?" Sabi ko pa. Pero si Ash nakapoker face lang din ikakaproud ni Toffer.

Nagpatuloy ang laro at si Alex nalang ang nag-serve. Kaya ayun, sa wakas napunta narin sa kabilang side yung bola, bumalik dito samin tapos kay Ash dumiretso. Ready na sya para ibalik yung bola dun kaso bigla syang tinulak ni Fiona kaya ayun, nagka-one point yung kabilang team.

"Hoy Fiona, umayos ka nga!" Sigaw ni Alex. Tapos bigla nalang may tumamang bola sa ulo nya. Napatingin kami sa tumira.

"Oops. Nadulas sa kamay ko eh." Sabi ni Lorraine habang tumatawa. Kinuha naman ni Alex ang bola tapos agad din na hinagis kay Lorraine. Kaya ayun, sumakto sa mukha nya.

"Wtf?!" Sigaw ni Lorraine tapos sinugod si Alex. Kita mo lang. Sya nagumpisa tapos nung ginantihan, napikon. Tsk. Tsk.

Tinignan ko si Shaem pero nagwalk out lang sya. Si Ash ganun din. Maygad naman!!! Anong gagawin ko?! Haay. Bahala na nga.

Lumapit ako sa kanilang dalawa tapos pilit silang pinaghiwalay. Hanggang sa pati ako na sasaktan na nila. Mabuti naman at di nagtagal, dumating na sina Toffer at Lanz tapos ayun, sila yung nagpahiwalay sa kanilang dalawa.

Tapos ako.. Eto.. Mukha nang zombie. Tsk. Yan kasi Skye. Feeling superhero ka. Push mo pa!

Kaya ayun, pinagalitan kaming lahat ni Maam. Pati yung boys na nakaupo lang sa bleachers, pinagalitan ni maam. Kasi daw ang papanget nila. Hahaha. joke.

"Ice, okay ka lang ba?" tanong ng paparating na si Asher. Ay wow, nakiki-Ice din sya. Bago pa nga lang sya dito tapos may callsign na sila! Edi sila na talaga!

Napansin ko naman na sumama ang aura ni Ken bigla. I mean, mas sumama. Masama na kasi yung aura nya simula kanina eh. Ang weird nga kasi hindi sya yung usual na Ken ngayon. Yung Ken na palaging nakangiti at palabiro na hyper. Ang sama kasi talaga ng aura nya ngayon eh. Nalamangan nya pa nga ang coldness ni Toffer. Pwede na nga syang, Cold King. Pero para sakin, si Toffer lang ang nagiisang king sa puso ko! Hahaha! K. Waley.

Tumayo bigla si Ken at nagwalk out. Sinundan naman sya nina Shaem, Alex at Lanz. Naiwan kami nina Toffer at Asher na nakatingin kay Ash.

"What?" nagtatakang tanong nya.

"Hindi ka man lang ba iiyak?" tanong ni Toffer.

"Bakit naman ako iiyak? Eh,magkakabalikan pa naman kami." sagot nya.

"Paano mo naman nasabi yun?" tanong ko naman.

"Textmate ko si author! Bakit ba?" sabi nya sabay walk out. Sus! Pero deep inside nagpapakamatay na yan. Lol.

Sinundan ni Asher si Ash kaya naiwan kami ni Toffer dito. Napatingin ako sa kanya. Tapos nakatingin din sya sakin.

OMG. For sure magda-drama na naman tong si Toffer na to. Naiwan na naman kasi kaming dalawa eh. Alone. Naalala nyo nung sa Paris? Diba nagdrama sya dun? Pati yung sa interview? Nagdrama din sya, right? Pati yung sa music hall. Drama pa more!

"Skye.."

Nakupo, eto na... Eto na... Eto na talaga!

"May tiwala ka naman siguro sakin noh?" tanong nya. Oh diba? I told ya!! Drama overdose~ Too much~ Drama~ Your love~ Drama overdose! Kung EXO-L ka, relate ka sa tono ng kantang yun.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Kasi ako, may tiwala ako sayo." sabi nya tapos hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo. Kilig naman ako! Yieeee~

"Promise, hinding hindi kita pagdududahan." tapos hinakan nya ang kaliwang pisngi ko.

"Promise, sayo lang ako maniniwala." tapos hinalikan nya ako sa kanang pisngi.

"Promise, ikaw lang talaga." tapos hinalikan nya ako sa tip ng ilong ko. My Gaaaaaad! Mukhang alam ko na ang next! Gasgas na tong mga eksenang ganito eh!

"Mahal na mahal kita, Xtine Skye Sarmiento." tapos hinalikan nya ako sa...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Noo ulet. Tsk. Edi ako nang disappointed!!!

Narinig kong tumawa sya kaya tinignan ko sya.

"Wag mo naman masyadong ipahalata na disappointed ka. Hindi ko lang naman tinuloy yun kasi, baka ma-PDA tayo. Sa susunod nalang." tapos kinindatan nya ako.

Juice colored. Bakit parangna-excite ako?

*-*-*

Another ud, done! #SkyFer oh. Sa taong pinapamadali ako, yan na oh! lol.
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon