Ash.
Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa sofa ng bahay ko kasama ang apat na lalake at si Alex. Mamaya nyo na itanong kung sino yung apat na lalaking yan. May exposure din naman sila mamaya.
Nanunuod kami ng Mourning Grave. A korean horror movie about a student na nagpakamatay dahil sa pang-bu-bully sa kanya kaya nagrevenge sya sa mga nang-bully sa kanya.
May hawak akong popcorn pati si Alex meron din. Habang---
"Aaaaaah!!"
And poof! Umulan ng popcorn.
"Ano ba naman yan oh! Sayang yung popcorn! Manunuod ng horror tapos matatakot naman pala." Sabi ng isang asungot sa tabi ko.
Hanampas ko sa kanya ang ngayong wala nang laman na lalagyan ng popcorn. "Sus parang ikaw di natakot ah!"
"Shhh!"
Etong iba naman naka-focus talaga sa pinapanood. Kaya nanuod nalang ulet kami.
Pagkatapos nun, My Friend is Still Alive naman ang pinanuod namin. Nakakaiyak na nakakatawa. About sya sa dalawang mag-bestfriends. Yung isa may luekemia at naghahanap ng first love. Pero sa huli, lahat ng gusto nya sanang gawin kasama ang first love nya ay nagawa na nya kasama yung bestfriend nya.
Gwapo pa naman nung lead. Huhu. Pagkatapos ng ilang tawanan at iyakan, si Alex naman ang nagpumilit na manuod ng barbie. Kaya ayun, dalawa sa mga lalake, tulog. Yung isa naglalaro sa cp nya. Tapos yung isa, eto sinundan ako sa kusina.
"Ice, manuod din tayo ng movie." Sabi nya. Umakyat kami sa taas sa kwarto ko, sinabi ko nalang kay Alex na may kukunin lang kami. Pero yung totoo, nanuod kaming dalawa ng movie dun hanggang sa nakatulog kami.
Alex.
Gg yung si Ash. Sabi nya may kukunin lang daw sila tapos ilang oras na pero wala parin sila. Tsk tsk. Ano bang masama sa barbie?
Napatingin ako sa paligid ko. May tatlong nag-gwa-gwapuhang lalake lang naman na natutulog dito. Pero yung isa nag-sa-stand out talaga para sakin.
Ang gwapo nya talaga. Mabuti nalang nakilala ko si Ash kung hindi, edi sana hindi ko makakasama tong nilalang na to. Pero kahit na di kami nagkakilala noon, magkakakilala parin naman kami ngayon eh dahil sa COC.
Tapos na yung barbie. Napatingin ako sa orasan at 4:30 na ng hapon. Linggo kasi ngayon. Oo linggo na. Haha. At tuwing sabado at linggo, nagtitipon kaming anim at nagse-sleep over. Kaya ngayon, nandito kami sa condo ni Ash.
Haay. Ang gwapo nya talaga. Kaso taken na kasi eh. Sayang yung kagwapuhan nya. Impakta kasi yung gf nya. Tsk. Di sila bagay.
Kasama yung gf nya sa cheerleading squad. Pero grabe lang ang tigas ng katawan mas matigas pa sa bato. Kung di lang dahil sa bf nyang mahal ko, hindi yan makakasali sa team eh. Asa ka naman.
Tsk. Kainis. Pinatay ko na ang tv tapos pumunta sa kwarto ni Ash. Aba yung demonyita tulog na pala. Haay. Pumasok ako sa kusina tapos naghanap ng pwedeng maluluto.
Madami nga ang laman ng ref tsaka cabinet dito kaso hindi ko lang feel eh. Gusto ko ng pizza tapos burger tapos ice cream. Idc about the carbs basta makakain ako, ayos na yun.
Palabas na ako ng condo ng may tumawag sakin.
"Lex, saan ka pupunta?"
Lumingon ako tapos nakita ko si my love so sweet. Lol.
"Ah mamimili sana ako ng pagkain." Sagot ko.
"Wala na bang pagkain dun sa loob? Magluto nalang tayo, tulungan kita."
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...