#Magnanakaw

1.2K 73 3
                                    

Toffer.

Haay. Haay. Haaay. Haaaaaaaayyyyyyyy.

Ang boring. Wala si honey my love so sweet.

Hoy kahit cold ako, sweet parin ako noh.

Parang ice cream. Cold nga pero sweet naman. Hindi nakakasawa. Masarap balik balikan.

Edi ako na. Ako na talaga.

Bakit wala si Skye?

Eh kasi may sakit sya eh. Oo, may sakit sya. Alam ko yung bahay nya pero sabi ni Ash lumipat na daw sila. Tapos ayaw nya ring sabihin kung saan. Pati sina Shaem at Alex ayaw rin sabihin.

Pero okay lang! Alam ko na ngayon! Sinabi sakin ni maam eh. Oo yung teacher namin. Kasi diba, may record sila nun. Ginamitan ko si maam ng charms ko. Mwahaha. K.

Kaya eto ako ngayon, papunta sa bahay nya. Miss ko na kasi sya eh.

After 1 million years, sa wakas! Nahanap ko rin ang bahay nya!!! Thank goodness. Muntik na akong masunog sa init ng panahon eh.

"Tao po?" Kumakatok ako ngayon sa gate nila. May computer shop pala sila eh kaso sirado.

"Skye?" Tanong ko.

"Sino yan?!" narinig kong sigaw ni Skye mula sa loob.

"Si Toffer mo!" Sagot ko. Oo, kanya ako. Bakit ba? Aangal ka? Suntukan nalang! Ano ha?! Tsk. Wala ka naman pala eh.

Lumapit naman sya sa gate tapos pinagbuksan ako. Nakapoker face lang syang nakatingin sakin. Muntik na akong maproud sa namana nya sakin eh, kung hindi nya lang sana ako sinigawan.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Chill. Ikaw na ngang binibisita, galit ka pa." Sagot ko.

"Sinabi ko bang bumisita ka?!" Pasigaw na tanong nya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Tanong ko.

"May sakit nga kasi ako!" Sigaw nya tapos pumasok, "Pasok! Isara mo yung gate!"

Katulad nga ng sabi nya, pumasok ako tapos sinara ko ang gate, tsaka ako pumasok sa bahay nila.

"Sinabi ko bang pumasok ka sa bahay?!" Sigaw nya kaya lumabas naman ako.

"Sinabi ko bang lumabas ka?!" Sigaw na naman nya.

Papasok na sana ako kaso sinigawan nya na naman ako.

"Oh, bakit ka papasok?! Sinabi ko ba?!"

Nanatili nalang akong nakatayo dun sa may pintuan nila.

"Tatayo ka lang ba dyan o papasok ka?!" Sigaw nya.

Ba't ba sigaw ng sigaw to?! Tsk. Kung di ko lang mahal to baka naupakan ko na to eh. Ayaw ko pa namang inuutos utusan ako. Haay. Things I do for love.

Pumasok naman ako tapos umupo sa tabi nya.

"Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ko.

"Hindi obvious?!" Pasigaw na sagot nya.

"Saan sila?" Tanong ko.

"Aba malay--"

Hindi ko sya pinatapos, "Subukan mo talagang sumigaw ulet! Hahalikan kita!"

"Eto naman di na ma-joke." Sabi nya ng nakangiti tapos pinalo pa ako ng pabiro sa balikat.

"Umalis kasi si mama, pinatawag sa school ni kuya. May meeting daw." Sagot nya. Mabuti naman at hindi na sya sumisigaw. Nakakabingi kaya.

"Iniwan ka nila dito?" Tanong ko.

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon