#Caught

1.9K 89 7
                                    

Ash.

"Asdfghjkkllgaksgsskbsj manha, sjsjsusbshsjakns bwabwa Call me baby, call me baby~"

"Ano daw?" Nagtatakang tanong ni Alex.

"Exo yun. Call me baby na comeback nila." Sagot ni Skye.

"Ah."

"Di mo kilala ang EXO?" Tanong ni Skye.

"Kilala ko yun. Kaso wala na si Luhan eh." Sagot ni Alex sabay pout.

"Tsaka si Kris." Sabi naman ni Shaem

"Ikaw Ash?" Tanong naman nya sakin.

"Kai." Simpleng sagot ko lang nang hindi inaalis ang tingin ko sa cp ko. Nag-da-download kasi ako ng mga pictures ni Kai eh. Tbh, magkamukha sila ni Ken. Hahaha. "Kaw?"

"Kay Baek ako." Sagot nya.

Napatingin naman ako sa kanya. "KaiBaek?"

"Hindi! Kay Baekhyun ako. Yun yung ibig kong sabihin. Pero KaiBaek shipper din naman ako." Sagot nya tapos bumalik sa pagkanta nya. Di rin naman maintindihan yun eh.

Nandito kami ngayon sa classroom. As usual, wala si maam. Ano pa bang bago dun?

Yung apat naman na panget ewan ko kung saan. Magkasama kami ni Ken kanina papunta dito pero nung malaman nila na wala si maam, umalis agad--

"Hello Philippines!"

Nvm. Ayan na sila papasok na oh.

"Hello Ice!" Sabi, I mean sigaw ni Ken. Oo sinigaw nya yun. May exclaimation point diba?!

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa cheeks. Si Xave lumapit din kay Shaem para gawin din yun pero sinampal lang sya ni Shaem.

"Aray ah." Sabi ni Xave habang hinihimas ang pisngi nya. Tinignan lang sya ng masama ni Shaem.

"Bakit parang ang saya nyo naman?" Anong ni Alex sa kanila.

Tinignan ko si Ken na nakaupo sa tabi ko. Tumingin din sya sakin tapos pinataas baba lang ang mga kilay nya tapos kumindat sabay pogi sign pa.

"Ah wala naman." Sabi ni Lanz ng may ngiti sa mga labi nya. "Kinausap namin si Sir Hamillton.."

"Tapos?" Tanong ni Skye sa pabitin effect ni Lanz.

"Sabi nya--"

Hindi natapos ni Lanz ang sasabihin nya kasi pinutol ito ni Ken.

"Sabihin mo na kasi bilis!" Sabi nya ng may malaking ngiti sa labi. Malaki talaga. Mukha na syang yung pusa sa Alice in Wonderland.

"Sabi nga nya--"

"Bilisan mo na kasi!"

"Sabi--"

"Wag ka na kasing magpaligoy ligoy pa!"

"Sab--"

"Dali na kasi!"

"Sa--"

"Sabi ni Sir Hams pupunta daw tayo sa Paris!!"

Sa wakas nasabi narin ni Ken. Oo sya yung sumabi nun. Kulet lang eh. Masyadong excited.

Alam ko na to. Yung Equinox nga sana yung sasali dyan eh, kaso walang passport yung dalawa kong kabanda.

Battle of the Bands. Parang worldwide na ganun. Kase iba't ibang mga school sa iba't ibang lugar ang kasali dito. Tapos yung mga pinakasikat lang na school ang makakasali.

"Pero teka, bakit naman tayo pupunta ng Paris?" Tanong ni Alex.

"May sasalihan--" hindi natapos ni Toffer ang sasabihin nya.

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon