Toffer.
"Nakakahiya ka Toff." Sabi ni Xave sakin.
"Parang ayaw kitang kilalaning kaibigan dre." Sabi naman ni Lanz.
Si Ken naman, nakangiti. Tapos kunyare nagpapahid daw ng luha. Tapos niyakap nya ako.
"I'm so proud of you." Kumawala sya sa yakap tapos hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Marunong ka nang magdrama."
Tapos inakbayan nya kaming dalawa ni Lanz, "Kayong dalawa." May pahalik halik pa sya sa noo namin. Tumingin sya kay Xave. "Ikaw kelan mo balak magdrama?"
Inalis ni Xave ang tingin nya sa salamin. "Hindi nagda-drama ang mga gwapo no." Tapos bumalik sya sa pag-ayos ng buhok sa salamin.
Grabe. Nakasirado naman ang mga bintana dito pero bakit ang lakas ng hangin?!
Umalis si Lanz sa akbay ni Ken, "Ako lang naman ang pinakagwapo dito, baka nakakalimutan mo."
Syempre patalo ba naman ako?
"Sakin nagsimula ang angkan ng mga gwapo." Sabi ko sabay pogi sign pa. Cold ako pero makulet din noh.
Tinignan namin si Ken. For sure may hirit din yan.
"Hahaha! Nakakatawa kayo." Sani nya tapos hinawakan pa ang tyan at pinahiran ang imaginary luha nya, "Sabagay, libre lang naman mangarap."
Pinatong nya yung isang paa nya sa upuan tapos nag-pose, "Eh kung di ako pinanganak, malamang di naimbento ang salitang gwapo."
At as if napagpraktisan namin, sabay sabay kaming tatlong nagkunwaring nasusuka.
"Sus. Inggit lang kayo." Sabi nya tapos lumapit sa mic stand. "Practice na nga tayo ulet."
Lumapit na ako sa drum set, si Xave sa electric guitar tapos si Lanz sa bass.
"Teka, nasan si Ash?" Tanong ko. May part kasi sya sa kanta namin eh. Playmates ft. Ash kasi eh. Haha. Hold on Till May kasi ng Pierce the Viel ang kakantahin namin. Eh may part dun ng babae kaya sya pakakantahin namin.
"Ok lang yan. Paakyat na daw sila eh." Sagot ni Ken tapos binulsa yung cp nya. Siguro tinext sya ni Ash.
Nagsimula sa kay Xave tapos dinugtungan ko tapos nagblend si Lanz at kinantahan na ni Ken.
"She sits up high
Surrounded by the sun.
One million branches
And she loves everyone."
Maganda tong kantang to eh. Isa sa mga paborito ni Xave to. Punk kasi sya eh.
"Mom and Dad
Did you search for me?
I've been up here so long
I'm going crazy."
Type ko tong chorus na part eh.
"And as the sun went down
We ended up on the ground.
I heard the train shake the windows
You screamed over the sound.
And as we own this night
I put your body to the test with mine
This love was out of control-
3-2-1, where did it go?"
Pumasok na sina Ash, Shaem, Alex at sya.
Grabe parang gusto kong tumakbo paalis dito sa hiya. Ewan ko rin kasi kung bakit ko ginawa yun eh.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...