Ash.
To: Him♥
Hoy, sn kba?To: Him♥
Pupuntahan m pba ako?To: Him♥
Naiinis nko ah.To: !
Peste k ken. Smgot k!To: !
I h8 uTo: !
Break na tayo!Naiinis ako dyan sa kumag na yan! Argh! Sabi nya kasi uuwi sya sa lunch! Absent kasi ako tapos sabi nya dito sya magla-lunch sa bahay ko. And by bahay, I mean condo ko. Sa sobrang inis ko pinalitan ko pa pangalan nya oh!
Nagluto pa naman ako. Napaso pa nga ako tapos nahiwa ko yung daliri ko. Chos! Maliit na sugat lang naman. Kainis na carrots kasi yun eh. Ang tigas! Ewan ko ba dun! Baka sira na nga yun eh.
Pero mabuti nalang pala at sira yun! Humanda talaga sakin yung walang hiyang yun.
Yan tuloy, napapasok ako ng school ng wala sa oras! Tinatamad pa naman ako! Tsk. Pumasok lang naman ako para ipakita sa kanya na hindi ko sya papansinin. K. Edi wow, diba?!
Dumiretso ako sa cafeteria sa may usual table namin. Nandun yung anim, pero wala yung hinayupak na yun.
Lumapit ako sa table.
"Nasan si Ken?" Tanong ko. Mukhang nagulat naman sila.
"Akala ko ba di ka papasok?" Tanong ni Skye.
"Nasaan si Ken?" Inulit ko yung tanong ko pero ngayon mas diniinan ko yung bawat salitang lumabas sa bibig ko.
"Chill. Pinatutoran ni Maam math. Nandun siguro sa library." Sagot ni Shaem.
Umalis ako agad pagkarinig ko dun. Pero bumalik din ako. Kinuha ko yung kinakain ni Alex na burger. Tapos umalis na ulet ako. Hindi naman sya umangal. Nahalata nya sigurong kumukulo ang dugo ko.
Tsaka, nagugutom ako noh! Hindi pa kaya ako kumain. Yung niluto ko kasi tinapon ko sa kama ng asungot na yun eh. Hindi naman yun kawalan kasi sa ref nya naman ako kumuha ng ingredients.
Pumasok ako sa library tapos hinanap ng mga mata ko yung p*tang inang yun. At ayun nga! Nakita ko nga!
May kasama syang babae! Ano to, tinuturuan syang mangaliwa?! Nabibwesit ako ah! Ang sarap nilang isahog dun sa niluto ko!
Nilapitan ko yung g*gong yun.
"Ice? Akala ko ba--" hindi nya natapos ang sinasabi nya kasi kinuwelyohan ko sya tapos hinila palabas ng library. Sisigawan ko sya eh! At di yun pwede sa loob!
"Hoy, ikaw na lalake ka, inuna mo pa ang landi kesa sakin?!" Sigaw ko.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Tanong nya. Aba, nagmamaang maangan pa ang p*ta.
Nakita kong sinundan kami nung babaeng kasama nya kanina. Namumukhaan ko tong babaeng to ah! Sya yung Fiona nung foundation day! Tignan mo nga naman oh, hindi na sya mukhang nerd. G*ga. May pa make over make over pa syang nalalaman. Tsk. Kahit kelan, hindi mo ako mapapantayan noh! Tao ka lang! Diyosa ako!
Mukhang napansin ni Ken na tinititigan ko yung Fiona kaya agad syang nagsalita.
"Hindi Ice. It's not what you think." Tapos niyakap nya ako, "Ikaw kase eh."
Tinry ko syang itulak pero malakas kapit nya sakin eh, "Ako pa?!"
"Umabsent ka kasi eh." Sabi nya.
"Ah so, naisipan mong mambabae?!" Sagot ko naman. Binitawan nya ako mula sa yakap pero nanatili ang mga kamay nya sa magkabilang balikat ko.
"Hindi. Kasi naman, nagtest sa math. Eh hindi ko naman nalaman agad yun kasi iniisip kita. Kaya ayun, nalaman ko nalang na ipapasa na yung papers. Wala na akong makopyahan kaya ayun." Sabi nya.
"Eh bakit kasama mo sya?" Tanong ko. Kalmado na ngayon boses ko kasi kinilig ako ng slight dun sa sinabi nyang iniisip nya ako. Slight lang naman.
"Pinatutoran ako ni maam sa kanya. Kaya wag ka nang magselos, okay? Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh." Sabi nya.
Shxt! Kinikilig ako!! Pero, galit galitan ako ngayon eh.
"Tara na nga." Sabi ko tapos hinila na sya palayo.
"Ken! How about yung pagtuturo ko sayo?" Sabi nung Fiona na sumulpot bigla sa harap namin.
Ready na sana akong itrash talk yung bruha kaso naunahan ako ni Ken eh.
"Sa susunod nalang yan Fiona. Nandito na kasi si Ice eh." Sabi nya.
"So, kaya natin ititigil to? Paano nalang grades mo? May quiz kaya bukas." Sabi ni Fiona tapos tumingin pa sakin.
Ready na sana ako ulet kaso naunahan na naman ako ni Ken eh!
"Hayaan mo na yun. Uunahin ko pa ba yan kesa kay Ice ko? Geh." Sabi nya tapos inakbayan ako at umalis na kami. Okay, I forgive him na talaga!
"Sabi mo, dun ka sa bahay ko kakain?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap ako sa bewang nya at naglalakad kami.
"Eh itetext sana kita na hindi na matutuloy kasi nga pinaturuan ako ni maam. Kaso kinuha nya cp ko eh. Kaya sorry." Sabi nya tapos hinalikan ang noo ko.
Speaking of lunch nga pala. Naalala ko na tinapon ko pala yung niluto kong ulam sa kama nya. Shxt.
"Ah, Ken. Dun ka nalang sakin matulog." Sabi ko. Napatigil naman kami sa paglalakad tapos tinignan nya ako ng may malapad na ngiti.
"Bakit?" Tanong nya ng nakangiti parin. Sus, kung malaman nya siguro yung totoong dahilan, tignan lang natin kung makangiti pa sya ng ganyan. Lol.
"Bakit ayaw mo?!" Sabi ko nalang.
"Syempre gusto noh!" Sagot nya tapos nagsimula na kaming malakad ulet.
"Tsaka Ken, ayaw ko nang makita ka na kasama yung Fiona na yun ah." Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong nya.
"Eh kasi ayaw ko sa kanya eh." Sagot ko.
"Paano ko naman yun iiwasan kasi tinututoran ako nun?" Tanong nya.
"Ehhh. Basta!" Sagot ko naman.
Hinarap nya ako yung mga kamay nya hawak yung pisngi ko. Shxt. Anong kasweetan naman kaya ang gagawin ng taong to sa gitna ng hallway.
"Ice ko, trust me okay? Hinding hindi naman kita ipagpapalit eh. Mahal kaya kita." Sabi nya.
"Oo na. Edi I love you too." Sagot ko tapos naglakad na ulet kami.
May tiwala naman ako kay Ken eh. Dun sa Fiona na yun, wala akong tiwala!
*-*-*
That's it for today :)
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K♥
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...