Zuri's Pov
"Aga mong nagising," si Lola habang nakahawak ng bacon na nakalagay sa isang plato.
"Opo La, kailangan pong maaga para hindi ma late, lalo pa po at Lunes ngayon," utas ko habang tinutulungan si Lola na magayos ng kainan.
"Umupo ka na at kumain, heto pinagtimpla kita ng gatas," nakangiting sabi ni Lola habang inaabot sa akin ang mainit na gatas.
"Salamat La, eh sila mommy po ba nakain na?" hindi ko pa nakikita sila Mom at Dad simula kagabi. may problema kaya sa kompanya?
"Umalis na sila, pero may ipinapabigay sila sa 'yo," ang nagsasalitang si Lola habang naglalakad papuntang kusina at may kinukuha sa kabinet.
"Ang aga pa ah," alas sais pa lang nang umaga, ang aga naman yata nilang umalis.
"May aasikasuhin daw kasi," usal ni Lola at tila hindi matapos tapos ang pagkuha ng kung anong bagay sa loob ng kabinet.
"La, ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan?" taka kong tanong kay Lola.
"Heto na oh," saba'y abot ng dalawang box.
"La, may problema po ba sa kumpanya?" tanong ko kay Lola habang binubuksan ang box.
"Wala naman daw apo, pero may mga mahahalagang tao daw kasi silang kakausapin kaya napaaga ngayon, pero mamaya daw sabay sabay kayong kumain ng dinner," si Lola habang nilalagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.
"Para saan daw po ito Lola, hindi ko naman birthday ah," at wala naman akong natatandaan na okasyon para bigyan ako ng regalo nila Mom and Dad.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang card na nakasuksok sa magandang wallet, at kulay pink pa, favorite color ko.
"Wow, Lola ibig-sabihin po ba nito pinapayagan na po ako nila Mom na humawak ng sarili kong pera?" parang bata kong tanong kay Lola.
"Siguro, hindi ka naman nila bibigyan ng card kung hindi ka pa nila pinapayagan, hindi ba?" nakangiting sabi ni Lola.
"Oo nga po! pero La, sa tingin niyo po, magkano kaya ang bili nila Mom dito sa wallet mukhang mahal po kasi eh,"
"Tignan mo, baka may sulat,"
at hindi nga nagkakamali si Lola dahil mayroon ngang sulat. nang mapansin ni Lola na tama ang instinct niya ay kinindatan pa niya ako at sumenyas na basahin ko na daw.
From Mom,
Baby sorry kung medyo busy kami sa work ng Dad mo, sana maintindihan mo kami, dahil para sa iyo din lahat ng ginagawa namin. may binili nga pala ako para sayo baby, check it on the box that i left to your Lola, hope you like it my one and only baby. muahh, I love you and i miss you!
"oh hindi ba at tama ako? busy lang ang mga magulang mo kaya maging happy ka na, apo huh!" si Lola na humihigop ng kape.
"opo,"
sunod ko namang binasa ang sulat ni Dad, hindi ugali ni Dad na magsulat sa papel kaya linagyan niya pa ito ng designs, thanks to printing.
From Dad,
Hi my Baby girl, miss na namin ikaw, Study well baby, sabay tayong kumain ng dinner mamaya, see yah, nga pala anak, may regalo ako sayo. 'yong matagal mo ng gusto! Your own credit card, nasa 1M ang laman niyan anak so be careful huh, ilagay mo ang card sa wallet na bigay ng Mom mo, See yah, and we love you our one and only daughter.
Nakangiti lang si Lola habang binabasa ko ang message nila mom sa akin, nasa office lang sila at iisa lang kami ng bahay na tinitirahan pero ang sweet nila, feel ko tuloy nasa abroad sila, pero they are the sweetest parents ever!
I LOVE YOU MOM AND DAD and also LOLA!
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
RandomSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...