Chapter 69

1 2 0
                                    

Zuri's Pov

Ang sakit ng katawan ko, pagod na pagod ako simula kahapon. Nairaos naman namin ng maayos ang booth at marami rami din ang kinita namin.

Nandito ako ngayon sa school at naglilinis sa area na ginamit namin kahapon at pinagtayuan namin ng booth.

Pansin ko lang, parang wala yata si Empire dito sa school ah, kami lang kasi nila Kalin at Citric ang nandito eh. Nasaan naman kaya 'yon?

"Heto oh, mag meryenda muna kayo."
Inabot sa akin ni Citric ang naka Styrofoam na spaghetti, my favorite.

"Uy, salamat dito ah, ang sarap ng pa meryenda mo Pres, favorite ko talaga eh 'no."

"Heto best oh!"
Inabot naman sa akin ni Kalin ang isang bote na naglalaman ng strawberry juice.

"Salamat, kayo din kain na."

Magkakaharap kaming tatlo habang kumakain.

"Nasaan nga pala ang boylet mo?"

Grabe talaga ang Citric na ito kung magtanong eh 'no, Boylet talaga?

"Boylet talaga? Hindi ba p'wedeng sa pangalan na lang niya siya, tawagin?"

"Ahy sorry, nadulas lang."

"Nadulas? Baka nasa hospital 'yon, narinig ko kasi kahapon na dadalaw daw siya sa kaibigan niya na may sakit."

"Eh 'di ba, ngayon din ang labas ng Lola mo?"

"Oo, kaya nga pupunta ako sa hospital mamaya eh para madalaw si Lola, sakto ngayon siya ma di-discharge."

"Anong nangyari sa kanya?"

"Hinimatay lang, pero ayos naman na siya, nagpapahinga lang siya doon sa hospital."

"Best, curious ako, lalaki kaya 'yong kaibigan ni Empire? Kung lalaki, sasama ako sayo, para makilala ko siya."

"Nako, basta talaga lalaki palong palo ka eh 'no."
Natawa ako nang dahil sa sinabi ni Citric.

"Akala ko ba, loyal ka sa isa?"

"Nako Zuri, naniwala ka naman sa akin? Eh NBSB ako girl!"

"Nbsb daw, sampalin kita diyan eh."

Hehe, joke lang 'no, hindi ko yata kaya na sampalin ang best friend ko.

"Wow! Amazona ka na rin pala ngayon ah."

"Tse, bahala ka nga diyan, punta na akong hospital ah, dalawin ko lang si Lola."

"Sige Zuri, mag ingat ka ah, pakilala mo daw si Kalin sa friend ni Empire."

"Sige best, ingat ka na lang para hindi mo na ako tampalin."

Iniwan ko na sila doon sa table na kinainan namin kanina. Pero bago ako, umalis doon ay tinapos ko muna ang kinakain ko, spaghetti yata 'yon 'no.

Sumakay na ako ng taxi para kaagad na makarating sa hospital na kinaroronan nila Lola.

****

"Oh, anak, anong ginagawa mo dito? Wala ka na bang class?"

"Mom, katatapos lang po ang event kahapon kaya wala na po kaming ibang gagawin sa school kundi ang maglinis ng booth na ginamit namin, kaya you don't have to worry po."

"Oh okay, mabuti naman kung ganoon, i am just worried on your studying purposes."

"Hindi po ako nag ca-cut ng class Mom."

"Huwag mo sanang mamasamain 'yong pagkamusta ko sa studying mo anak."

"Yes naman po Mommy, tsaka naiintindihan ko naman po kayo eh."

Linapitan ko si Lola tsaka ko siya niyakap habang mahimbing na natutulog.

Pansin ko lang, parang lagi yatang tulog si Lola sa tuwing nagpupunta ako dito sa hospital ah.

"Mommy, kanina pa po bang tulog si Lola?"

"Hindi naman anak, kanina lang, she need to rest daw sabi ng doctor eh and sabi na din namin sa kanya 'yon ng Dad mo."

"By the way, nasaan nga po pala si Dad?"

Hindi ko kasi siya makita dito eh.

"Nandoon sa office, hindi niya kasi p'wedeng pabayaan ang company natin eh, kaya nag suggest na ako sa kanya na ako na lang ang magbabantay sa Lola mo."

"Ah, kumain na po ba kayo Mom?"

"Hindi pa nga eh, bibili sana ako ng food pero wala naman akong maasahan na bibili para sa akin."

"Sige Mom ako na po ang bibili, huwag niyo namang pabayaan ang health niyo Mommy, paano po kapag kayo naman ang nagkasakit? Paano naman po kapag kayo naman ang nandito sa hospital?"

"Sige na nga, kakain naman dapat ako eh, ang kaso nga lang wala akong mautusan."

"Oo na po, sige na, bibili na ako!"

Naglakad ako palabas ng hospital dahil bibili ako ng pagkain para kay Mommy.

Ang hirap ko pang mag decide kung anong bibilhin ko pero nauwi lang ako sa pag take out ng manok at kanin.

Siguro naman, magugustuhan 'to ni Mommy, hindi naman kasi niya sinabi kung ano ang gusto niyang kainin.

Naglakad na ulit ako pabalik ng hospital, malapit lang naman ang hospital sa shop na 'to kaya p'wede ko lang lakarin.

Pabalik na sana ako sa hospital pero nakakita ako ng marshmallow sa tinahan ng ice cream kaya huminto muna ako doon para makabili.

S'yempre naman 'no, favorite ko kaya 'yon, kahit nga isang taon na 'yon lang ang kakainin ko eh, hindi ako magsasawa.

Nang makabili na ako ay kaagad na naglakad na ako sa hallway ng hospital, habang bitbit ko ang dalawang paper bag.

Kumatok muna ako sa pintuan at kaagad naman na binuksan iyon ni Mom.

"Mom, heto na po, kain na kayo, labas muna ako tawagan ko lang po si Kalin, para makahingi ng update sa kanya."

"Saang labas ba iyan anak?"

"Dito lang po sa labas ng pinto, sa may upuan lang po."

"Oh sige, mag ingat ka anak, huh!"

"Opo, Mommy!"

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon