Zuri's Pov
Nakatayo ako ngayon sa labas ng hotel, hinihintay ko kasi si Empire eh, totoo kaya ang sinabi niya sa akin na mag de-date kami. Sana tuparin niya para hindi ako magalit sa kanya.
Char! Nagbibiro lang ako!
Naisip ko lang, Ano kaya ang ginagawa ng gagong Ion na 'yon. Hay, bakit ko kaya siya naiisip?
Kailangan na ngang kalimutan eh. Eh kung sabihin ko kaya kay Empire ang totoo, p'wede ko kayang sabihin sa kanya ang totoo?"Uy, kanina ka pa ba d'yan? B'at hindi mo ako hinintay sa labas ng k'warto ko? Bakit dito ka pa naghintay? Malamig kaya dito."
Paglingon ko nakita ko si Empire na naka ngiti at naka bihis.
Bakit parang ang g'wapo niya ngayon? Kung sa bagay, dati naman s'yang g'wapo eh. Nakakapagtataka pa ba iyon?"Ah, Eh kasi napag isipan ko na dito na lang mag antay, Seryoso ka ba talaga na mag de-date tayo? Parang hindi kasi kapanipaniwala eh."
"Naniwala ka naman eh nagbibiro lang naman ako kagabi ah. Mamamasyal lang tayo."
Naka ngisi pa siya habang sinasabi iyon, mukhang pinahiya niya yata ako roon ah.
"Ayon na nga ang sinasabi ko eh, Na hindi ka talaga seryoso doon. Mag papalit na ba ako?"
"Bakit ka magpapalit? Eh 'di ba nga mamamasiyal tayo? Galit ka ba?"
Wow tatanungin niya talaga ako kung galit ako? Eh syempre nag sinungaling kaya siya sa akin 'no. Anong ine-expect niya na mararamdaman ko. For real syempre galit ako 'no.
"Yah! Hindi ako galit, Akala ko lang kasi tototohanin mo iyong sinabi mo sa akin kagabi."
"Kung tototohanin natin iyon eh 'di magagalit si Ion. 'Di ba boyfriend mo siya. Baka magkaroon pa kayo ng problema eh. Ayoko naman na ako ang maging dahilan no'n. 'Di ba."
Tama nga ako, Walang kaalam alam ang isang 'to.
"Oo nga naman, Tama ka!"
Nakakahiya ka talaga Zuri, Nag expect ka na naman.
Ngumiti na lang ako para hindi niya mapansin na napahiya ako."So tara na?"
Yah ayaw kong umalis sa kinatatayuan ko. Napahiya yata ang buong kaluluwa ko eh."Ah sige tayo na."
Aalis na tayo kahit ayokong umalis sa kinatatayuan ko.
"Saan nga pala tayo pupunta?"
Ngumiti muna siya bago niya hawakan ang kamay ko tsaka ngumti. "SECRET"
Kung walang kaalam alam si Empire sa nangyari sa amin ni Ion eh bakit kaya kung umasta siya ay parang alam niya na naghiwalay na kami. Hay ang gulo naman.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
De TodoSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...