Zuri's Pov
Pagkatapos naming nag pillow fighting ni Kalin ay lumabas muna ako para makahinga at para makalanghap ng sariwang hangin.
Gusto kong makakita ng magagandang tanawin. Lalo na ang mga bituin na nakangiti sa akin. At ang buwan na nagsasabing maging masaya lang ako lagi.
Nakarating na ako dito sa Cagayan pero wala pang tawag o text man lang sa akin si Ion. Minsa talaga nakakapagtampo na siya. Hindi niya man lang ako kinakamusta kung ayos lang ba ako dito.
Napaka tahimik ng paligid, pero binasag ito ng tinig ni Empire.
"Parang nag-iisa ka naman yata d'yan." utas ng taong nasa likod ko."O, Empire, ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang, pansin ko kasi parang napaka lungkot mo yata, may problema ka ba? you can tell me anything." utas nito na nakaupo na pala sa tabi ko.
"Nothing. Na aalala ko lang kasi, bukas na pala 'yong second anniversary namin ni Ion, and hindi man lang niya ako tinatawagan or tinetext." paliwanag ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh." utas nito bago nag buntong hininga.
"Ang alin?" tanong ko na naka kunot ang noo.
"Dahil na naman 'to sa boyfriend mo. Lagi ka na lang niyang sinasaktan. Lagi na lang siya ang rason kung bakit ka nalulungkot." sabi nito kaya napakagat ako sa ibaba kong labi.
Bakit parang nararamdaman ko na mas concern si Empire sa akin sa lahat ng bagay. Bigla ko tuloy naisip ang bagay na, kung posible kaya na hindi ako iniwan ni Empire noon, masaya kaya kami ngayon? kami pa rin kaya ngayon?
"Zuri, ayos ka lang?" pagtatanong ng katabi ko.
"Oo, ayos lang ako." sagot ko naman sa kanya ng mabalik na ako sa wisyo ko at naisip na baka may ginagawa lang na importante si Ion.
"Eh, paano niyo ice-celebrate ang second anniversary ninyo? uuwi ka ba?" tanong sa akin ni Empire habang nakayuko at hindi tumitingin ng diretso sa mga mata ko.
"Hindi ko alam eh, pero kung kayang umuwi, uuwi ako. Pero naisip ko baka hindi pwede at baka magalit pa si Prof sa akin. Kaya huwag na lang yata." paliwanag ko. Takot kasi ako na baka mapagalitan ni Prof at hindi na patuluyin sa pag O-OJT.
"Hindi ka ba magpapahinga? kailangan mong matulog man lang. May oras pa naman. Magpahinga ka muna." sabi nito sa akin habang nakatingin na naman sa malayo.
"Huy." pagtawag ko sa atensyon niya.
"Oh bakit? may problema na naman ba?" tanong naman nito. At nagtataka kung bakit ko siya tinawag sa pagtanaw niya sa malayo.
"Nasa tabi lang kita pero bakit parang ang layo layo mo. Ang layo kasi ng iniisip mo? May bumabagabag ba sa isipan mo? pwede mo din sabihin sa akin kung ano iyon." sabi ko dito habang pilit na nagiging matapang para magbigay ng lakas ng loob sa kanya. Pansin ko din kasi na parang may problema din siyang iniinda at baka nahihiya siyang magsabi sa akin kaya kinompronta ko na.
"Wala akong problema." buntong hininga nitong sabi.
"Eh, bakit parang pasan pasan mo ang langit at lupa?" pamimilosopo ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalik bago tumingin sa akin saka nagsalita.
"Kapag nalulungkot ka. Nalulungkot din ako. Kapag masaya ka, masaya din ako. Kapag nahihirapan ka, nahihirapan din ako." he said with a smooth tone.Nanlaki ang mga mata ko ng bahagyang ilapit niya sa akin ang mukha niya at halikan ako sa labi. Hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin ang Empire na nakilala ko. Ang Empire na nagpapagaan sa loob ko sa tuwing may mabigat akong nararamdaman.
Alam ko na magiging masama ako dahil sa ginawa ni Empire kaya lumayo ako sa kanya at tinulak siya para makaalis ako sa kinauupuan namin kanina.
"Zuri, im so sorry, hindi ko sinasadya." he said with a embarrassing voice.
Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob ng kwarto at itulog ang lahat ng iniisip ko. Hindi ko sinasadya na maramdaman ito pero bakit parang may puwang pa rin si Empire sa puso ko. Bakit parang bumalik 'yong nararamdaman ko para sa kanya? Bakit parang mahal ko pa rin siya? I don't know! Alam kong mali pero paano ko iiwasan?
Sa lagay namin ngayon, parang pinagtataksilan ko pa si Ion.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
De TodoSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...