Chapter 56

1 2 0
                                    

Zuri's Pov

"Aray ko, ang dami namang insekto dito. Sure ba kayo na dito talaga tayo mag i stay ngayong gabi?"

"Hoy, Kalin tigilan mo nga ang pag iinarte mo, akala ko ba excited ka? tapos ngayon, aarte arte ka pa d'yan."

"Ang hirap naman kasing ayusin 'tong tent natin."

Aba'y excited kanina ang babae tapos ngayon, napaka reklamo.

Ikaw talaga Kalin!

"Aba'y pagtiisan, lalo na't ngayon lang tayo makakaranas ng camping at dito pa sa Cagayan kaya sulitin na natin."

Nakasimangot pa rin ang babae kaya gumawa na ako ng paraan para hindi na naka busangot ang mukha niya.

"Teka lang, nakaisip ako ng paraan. Hihingi na lang ako ng tulong kay Empire."

Pagkasabi ko sa bagay na iyon ay agad naman na lumapad ang ngiti ng babaitang Kalin.

Nakita ko si Empire na nakaupo at nakaharap sa cellphone niya kaya lumapit ako sa kanya.

Mukhang nakatayo na nga ang kanyang tent, buti pa siya. Kami kasi nakahiga pa.

"Ah, Empire. Naiistorbo ba kita?"

"Oh, Zuri, kanina ka pa ba nand'yan?"

Tumayo siya para magpantay kami.

"Hindi naman! May ginagawa ka bang importante?"

Ngumiti siya bago magsalita.

"Hmm, wala naman, bakit may ipapagawa ka ba sa akin?"

Nahihiya pa akong sabihin sa kanya kung ano 'yon. 'Yong si Kalin naman kasi eh, kung sana lang kasi hindi ma reklamo ang babaeng 'yon, eh 'di sana hindi ko naaabala si Empire ngayon.

"Ahm, pansin ko kasi na nakatayo na 'yang tent mo kaya naisip kong humingi ng favor sayo."

Hindi ko masabi ng diretso ang gusto kong sabihin dahil parang umaatras ang dila ko. I mean parang nahihiya ako.

"Sure, ano namang favor ang gusto mong ipagawa sa akin?"

"Ahm, 'yong t-tent kasi namin, hindi pa namin napapatayo."

"Ah, ayon lang naman pala eh. Nautal ka pa talagang sabihin sa akin huh."

Tumawa lang ako, dahil 'yon lang ang p'wede kong gawin para lang hindi mapansin ni Empire na nahihiya ako sa kanya.

*****

"Ah, Empire, salamat ah."

"For what naman?"
Nakangiti pa siya habang sinasabi ang bagay na iyon.

"Dahil inayos mo 'yong tent namin. Salamat dahil hindi ka nag dalawang isip na gawin 'yong hinihingi kong favor."

"Kailan pa ako nag dalawang isip na tulungan ka?"

"Wala, naisip ko lang na ang bait bait mo sa akin. Salamat ah."

"Sus, para namang wala tayong pinagsamahan 'no."

Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Bigla ko kasing naisip na mag ex nga pala kami ni Empire. Kung titignan mo kasi ngayon. Parang walang nangyari sa amin dati. I feel happy kapag kasama ko siya. He made me happy always.

"Ah, oo nga pala naging in tayo dati."

Ngumiti siya ng mapait.

"Yah! Huwag mo ng ipaalala kasi nga masakit isipin. So huwag na nating balikan."

Ngumiti na lang din ako sa kanya. Oo nga naman kasi. Tama nga naman, huwag na dapat pang balikan kasi masakit. Ikaw naman kasi Zuri, pinaalala mo pa. Ayaw na ngang isipin eh 'di ba. Nagmukha ka lang tanga doon sa ginawa mong 'yon.

"Tama, past is past."

Hehe, past is past pero nasasaktan!

"Hay..." Bumuntong hininga siya. "Sige, una na ako. May aayusin lang ako sa loob ng tent ko."

Ngumiti lang ako sa kanya tsaka sumagot ng "Sige, salamat ulit ah. See you mamaya."

Kumaway pa siya bago tumalikod.

Ba't parang ang g'wapo ni Empire kapag nakatalikod siya. Hindi, mali, parang gum'wapo pa siya lalo. Nag mature na talaga si Empire. Ang layo na niya sa Empire na nakilala ko dati. Sa Empire na naging boyfriend ko. Sa Empire na Ex ko.

Kung tutuusin, nagbago ang pisikal na anyo niya pero, 'yong pakikitungo niya sa  akin tapos 'yong tingin niya sa akin hindi pa rin nagbabago.

He even treat me like her girlfriend kahit hindi naman dapat.

Siguro kung hindi ako iniwan noon ni Empire masaya pa rin kami hanggang ngayon. Yah! i know, napatawad ko na siya, pero hindi mo maiaalis sa akin na mayroon pa rin sa parte ko na malala ang pang gho-ghost niya sa akin.

Kahit pa siguro, mawalan na ako ng buhay, nakatatak pa rin sa akin ang ginawa niya noong kami pa.

Pero kagaya nga ng sabi ni Empire. Hindi na kailangan pang ipaalala ang nangyari sa nakalipas. Dahil past is past at lahat ng memories sa nakalipas ay hindi na p'wedeng balikan.

Mananatili na lang 'yong isang panaginip at mananatiling maiiwan sa nakalipas na panahon at maibabaon sa maalikabok na kahon ng nakaraan.


 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon