Zuri's Pov
Hay, nakasakay na kami ngayon sa bus na sinakyan namin papunta dito para makarating sa pupuntahan namin na sinasabi ni Prof na store ng mga fashion dresses.
First day ng aming OJT and i think mag e-enjoy ako ngayon dahil makakakita na naman ako ng mga magagandang damit.
Medyo mahaba haba pa ang pag i-stay namin dito dahil first day ito ng two weeks na pamamalagi namin dito.This is our second anniversary namin ni Ion and nagbabakasakali ako na mag te-text siya o tatawag man lang sa akin.
Parang nakalimutan na niya ang espesyal na araw na ito.August 20, the day na sinagot ko si Ion. Pero mukhang wala ng halaga sa kanya ang date na iyon. Bakit kaya siya nagbago? hindi naman siya ganito dati ah. Lagi niya akong sinosorpresa kapag may espesyal na araw kaming sine-celebrate. Madalas nga noon, siya pa ang nauunang nakaka-alala pero ngayon bakit parang bumaligtad ang sitwasyon.
Empire's Pov
"Hey, are you okay?" tanong ko kay Zuri ng akmang nakalapit ako sa kanya at tumabi sa pagkakaupo niya sa upuan ng bus.
"Oo, ayos lang. May iniisip lang ako." sagot niya sa akin pero halata na may lungkot ang kanyang boses.
"Tungkol ba ito sa nangyari sa atin kagabi?" tanong kong muli sa kanya.
"No! it's not your fault, wala lang iyong nangyari kagabi. Sabihin na lang natin na meaningless ito at wala talagang kahulugan." utas nito na nagpakirot sa dibdib ko.
Para sa kanya wala lang ang kiss na iyon. pero para sa akin, regalo na iyon at mahalaga na sa akin na i che-cherish ko habang buhay.
"Eh 'di si Ion na naman pala ang pinoproblema mo?" tanong kong muli sa kanya.
"Oo, second anniversary namin ngayong araw na ito, pero ni tawag o text ay wala pa akong natatanggap galing sa kanya." sagot nito na may halong lungkot ang bumabalot sa boses ng babaeng mahal ko pero may mahal ng iba.
"Ganoon ba. Kung gusto mo, i celebrate nating dalawa ang second anniversary ninyo. After nitong first activity natin, magpaalam tayo kay prof para kumain sa labas." utas ko kahit na labag sa kalooban ko ang desisyon na gagawin ko.
Ang sakit isipin na ice-celebrate namin ng babaeng mahal ko ang second anniversary nila ng lalaking mahal niya. Alam kong unfair ito para sa akin pero lahat ay gagawin ko maging masaya lang ang babaeng sinisinta ko.
"Are you sure? you wanted to do this things?" tanong niya sa akin na parang nagtataka kung bakit ko gagawin iyon.
"Yes, im deadly sure, kahit mahirap handa kong tiisin, maging masaya ka lang." utas ko rito at kasabay non ay ang pagyakap niya sa akin.
"Thank you, i am lucky to have a friend like you Empire." utas nito na nagpangiti sa akin at nagpakirot na din sa dibdib ko.
Ang hirap lang isipin na ang babaeng mahal ko noon ay kaibigan na lang ang turing sa akin. Paano ko ba wawakasan ang ganitong pakiramdam. Kailan ko ba siya kayang i let go. Kailan ko ba matatanggap na hindi na talaga siya babalik sa akin. Iyan ang mga naiisip ko habang nakayakap siya sa akin.
"Kahit saan mo gustong pumunta, pupunta tayo kung saan man 'yon. Kung anong gusto mong gawin, gagawin natin." utas ko sa kanya.
Ipinapakita ko kay Zuri na masaya ako para sa kanila ni Ion, pero sa loob loob ko nagdurugo na yata ang puso ko.
Halos hindi na nga dumaloy ang dugo ko dahil sa ginagawa kong 'to.
Masakit, pero hindi ko na iyon iniinda. Dahil hindi na mahalaga kung masaktan man ako. Ang mahalaga ay mapasaya ko ang babaeng mahal ko. Handa kong tiisin ang sakit mapasaya lang siya.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
DiversosSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...