Chapter 9

4 3 0
                                    

Zuri's Pov

After all s'werte pa rin ako sa mga magulang ko, kasi binibigay nila lahat ng gusto ko. Pero mas s'werte ako sa boyfriend ko, kasi hinahatid at sundo niya ako. Actually pareho lang naman silang mahalaga sa akin pero, mas matimbang pa rin talaga ang pamilya kaysa sa iba.

"Tara na?" tanong sa akin ni Ion habang nakatayo sa gilid ng kotse niya.

"Oo ready na ako," utas ko sa kaniya.

"Alam mo mahal, napapansin ko na lagi ka nang nakahanda sa t'wing nandito na ako sa tapat ng bahay niyo,"

"Eh, sure ka? s'yempre sa tagal mo ba naman akong hinahatid at sundo, sa tingin mo hindi ko pa, maisasaulado 'yang sounds ng kotse mo?" nakatawa kong sabi sa kaniya.

"Ang sabihin mo, inaabangan mo ako," he smirk then hinablot niya ako sabay yakap.

"I missed you!" yinakap ko din siya pabalik.

Lagi kong ipinagpapasalamat kay God na binigay niya sa akin si Ion, like siya 'yong laging nand'yan para sa akin. It's natural na palagi niya akong sinasamahan sa lahat ng bagay pero iba pa rin talaga kapag mahal mo 'yong nand'yan para sayo. Kaya the way Ion love me, the way i love him back too.
hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay ang ibinibigay na pagmamahal sa akin ni Ion, i think hes the one na for me.

"I missed you more, mamaya labas tayo? date kumbaga," pagaaya niya sa akin, sabagay nga naman ay hindi pa kami nakakapag date simula noong naging busy na kami pareho sa school.

"Sige, after class sunduin mo ako, sa course class ko," deserve naman niya na mapagbigyan ng kahit na anong reward dahil sweet siya ngayon.

"I love you mahal," he said sabay halik sa noo at pisngi ko. lagi na lang niyang ginagawa 'to, ang paghalik sa noo at pisngi ko. pero i like it, he's so cute in that way.

"I love you more my Ion,"

"So let's go? baka ma late pa tayo," sabi niya habang bumibitaw ng yakap.

"Yes, let's go!" gentleman talaga, biruin mo pinagbuksan pa ako ng pintuan ng kotse.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa libro ko, kailangan ko din kasing mag-review lalo pa at, malapit na kaming mag-exam for the first sem. and pagkatapos ng first sem, mag O-OJT na kami, pero hindi pa alam ng mga prof namin kung saan kami mag te-take ng OJT.

Nagmamaneho lang si Ion habang nakatingin sa daan.
"Mahal, saan nga pala kayo mag O-OJT?" basag ko sa katahimikan.

"Wala pa mahal, bakit sa inyo meron na ba?" sagot niya sa tanong ko.

"Wala pa din, pero may schedule na ba sa inyo?" tanong ko ulit sa kaniya.

"After first sem exam, yata 'yon sabi nila eh," paliwanag niya.

"Ah, same lang pala," saka siya bumalik sa pagmamaneho.

Nakarating na kami sa school and hinihintay ko lang na makapag park si Ion ng sasakyan, para sabay kaming bababa. nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pintuan.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

"Wala 'yon, basta para sa natatanging babae na papakasalan ko, balang araw," pang-aasar niyang sabi at saka hinawakan ang isa kong kamay.

"Loko ka talaga, tara na nga," nakatawa kong sabi sa kaniya at dinuyan duyan pa ang aming magkahawak na kamay na parang batang naglalaro.

Nasa gate na kami at chineck na din ng school guard ang mga school id's namin. Lagi kaming nagsasabay na pumasok ni Ion kaya kilala kami sa school bilang University loveteam, nagsimula 'yon noong hiningi ni Ion ang kamay ko sa harapan ng maraming tao.
and 'nong nakita ko na talaga naman na mahal ako ni Ion ay sinagot ko siya ng walang pasubali.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon