Chapter 16

4 3 0
                                    


Zuri's Pov

Tama na Ion huwag mo akong saktan, hindi na ako uulit, hindi ko na lalapitan si Empire at lalong hindi ko na siya kakausapin.

"Apo, apo gumising ka," sigaw ng kung sino.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita si Lola na nakatayo at parang nag-aalala.

"La, bakit po?" takang tanong ko kay Lola.

"Apo eh nananaginip ka kase, eto tubig inom ka muna," inabot sa akin ni Lola ang isang basong tubig.

"Salamat La, sila mommy po ba and'yan na?" tanong ko kay Lola.

"Wala pa eh, mamaya pa siguro 'yong mga 'yon, teka ayos ka na ba? may problema ka ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lola.

"Opo ayos lang, teka lang La ha, tawagan ko lang po si Ion," pagpapaalam ko kay Lola.

Tumayo ako sa upuang sofa at saka nag dial sa cellphone ko.

"Hello, mahal?" pambungad ko kay Ion ng mapansin kong sinagot niya ang tawag.

"Mahal? bakit may problema ba?"

"Ah wala naman mahal, saan ka?"

"Sa bahay mahal, may ginagawa lang na project sa school, Ayos ka lang ba?"

"Oo mahal, sige ah, patayin ko na."

"Sige mahal, ingat ka lagi Love you!"

"Love you too mahal."

Pinatay ko ang tawag nang masigurado na ayos lang si Ion, saka ko binalikan si Lola na naghihintay sa akin sa sofa.

"Oh ano apo? ayos lang ba si Ion?" pagtatanong ni Lola.

tumango ako, "Opo La, ayos lang naman daw po siya, kaya wala po kayong dapat na ipag-alala."

"Oh siya sige, at titignan ko kung nasa gate na ang Mommy at Daddy mo,"

"Sige La, aayusin ko lang po sarili ko."

Naglakad ako papuntang k'warto, hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko na sinasaktan ako ni Ion, natatakot ako kahit na alam ko naman na hindi niya gagawin sa akin 'yon. Pero bakit dahil kay Empire? may alam kaya si Ion na nagkikita kami ng Ex ko? tss, hindi ko alam at wala akong ideya. sana lang ay wala siyang alam, dahil kapag nagkataon, paniguradong lagot ako kay Ion.

Bakit parang takot na takot naman yata ako kay Ion, eh dapat nga hindi ako nagpapa-under sa kanya.
Nagmadali akong naghilamos dahil natitiyak ko na anomang oras ay kakatok na si Lola. at tama nga ako kasi hindi pa ako nakakapagpunas ng mukha ay kumatok na kaagad si Lola.

"Apo, labas ka na  d'yan, andito na sila,"
pasigaw na tawag sa akin ni Lola.

"Opo La, sunod po ako."

"Oh, siya sige, baba ka na mamaya kapag tapos ka na, d'yan."

Natapos ako sa pag-aayos at bumaba na para makakain, at para din mayakap sila Mom at Dad, I need them now, i feel uncomfortable, because of my bad nightmare, And natatakot ako na mangyari 'yon sa akin. Hindi man gagawin ni Ion, pero i just scared about everything. i don't know why but, meron akong iniindang takot sa aking, sarili, takot na hindi ko maintindihan.

"Hi baby, hows your day?" Dad ask to me sabay akap sa akin.

"I need hug from my Mom and Dad," Gusto ko talagang yakapin silang dalawa.

"Sure ako na, pagod ka anak." Mom said.

"Kung alam niyo lang Mom, pagod na pagod po ako,"

"Kain na tayo para naman maikwento mo sa amin ang schooling mo today." nakangiting sabi ni Dad.

Bago kami kumain ng sabay sabay, ay nagdasal kami ng mataimtim.

"Sige po dad, maupo na po tayo, saka thank you nga po pala sa gift na binigay niyo." Hinalikan ko sila pareho sa pisngi.

"Ow, that's so sweet baby!" sabi ni Dad habang nilalagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Wala, yon anak, actually dapat matagal na sana naming binigay 'yon sayo, pero ngayon lang namin naalala." mom said with a slow voice.

"Ayos lang Mom, na appreciate ko po ng mabuti." sabi ko habang nakahawak pa ng kubyertos.

"Sige kumain na tayo," si Lola na kanina pa nakangiti at nakatingin sa amin.

"Ma, kain pong marami ah." pang-aasar ni Dad kay Lola.

"Opo nga naman Ma, kain pong marami para po maging malusog kayo at makaiwas sa sakit." nakangiting utas ni Mom kay Lola.

"Oo naman ano, saka ikaw Nida, ikaw lang ang manugang ko na tinatrato ako ng ganyan," pang-aasar ni Lola kay Mom.

"Nako po Ma, oo naman po, mahal ko po ang anak niyo kaya mahal ko din po kayo na ina niya." nakangiting sabi ni Mom kay Lola.

Kahit ako ay mahal na mahal ko si Lola, unlike sa isa kong Lola na Mommy ni Mom, nasa states kasi, kaya hindi ko siya close. pero hopin na maging close ko si Lola na nasa ibang bansa.
This time, lilimutin ko muna ang problema at susulitin ko muna ang pagkakataong ito na kaming pamilya ay masaya.

Ang saya ko ngayon dahil ngayon lang kami nagkakasabay sabay na kumain sa hapag. Nag picture din kami kanina at nagprint ako para naman may tig isa kaming kopya. I checherish ko ito as a Treasure dahil ang pamilya ay mahalaga at ang pamilya, ay importante kaysa sa anomang bagay sa mundo.
We all know that Family is Love.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon