Chapter 25

2 2 0
                                    

Zuri's Pov

Naka survive naman ako ngayong araw na ito. lahat ng exam ay nalagpasan ko pero muntikan na akong hindi makalusot sa exam namin sa fashion designing buti na lang natulungan ako ni Empire, thanks to him, 'yon na yata ang pangalawang beses na iniligtas ako ni Empire.

Ion texted me kanina na kakain daw kami sa labas. pumayag ako dahil matagal na rin kasi kami na hindi nakakalabas ng kami lang dalawa and this time, i will confront him tungkol sa mga nakita ko noong nakaraan.

Nagbihis ako at nag-ayos, bago ako sunduin ni Ion, after that dinala niya ako sa isang magarbong restaurant, i felt na super romantic ng kainan na ito, date ba ito? tanong ko sa aking sarili.

Nag-order na kami ng mga pagkain, pero nag-paalam si Ion na mag c-cr daw muna siya kaya tumango naman ako bilang sagot.

Nakatingin lang ako sa malayo nang biglang tumunog ang Cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng table.
Tinignan ko ito at nakita ang pangalan ni Empire. Ngayon lang na naman siya nag message sa akin.
Na curious ako kaya binuksan ko ang text message niya.

"Hello, Zuri, Good eve, na check mo na ba 'yong result ng Exam mo sa Fashion designing?" tanong niya sa tex message.

Nag reply naman ako na hindi pa.
Kaya pagkatapos kong mag reply sa kanya ay chineck ko nga ang possible result. Nagning ning ang mga mata ko ng makitang perfect ang result nito.
Thanks to Empire dahil siya ang dahilan nito. Niligtas na naman niya ako. Andami na niyang ginawa para sa akin, kahit na may mga pangit na ginawa ako sa kanya. I feel happy about sa pagkakaibigan namin ngayon ni Empire.

Dumating si Ion sa table namin at tinanong kung bakit daw ako nakangiti ng malapad. Sinabi ko na, na perfect ko ang exam namin sa fashion designing kaya he gaves me a warm congratulate.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil excited na akong umuwi, excited ako na sabihin sa pamilya ko ang good news.

"Bat parang nagmamadali ka naman yata?" tanong ni Ion sa akin.

"Ah wala lang, gusto ko ng umuwi." pag aaya ko sa kanya ng matapos na siyang kumain.

"Bakit? maaga pa naman ah, is there something wrong Mahal?" tanong niya sa akin.

"Wala, pagod lang ako, tara! uwi na tayo." sambit ko sa kanya.

Nang makaalis na kami ni Ion sa table ay lumabas na kami papuntang parking lot saka pinaharurot niya ang kotse niya.
Galit ba siya?
Nga pala, hindi ko na naisip na magtanong kay Ion tungkol sa mga
nakita ko noong nakaraan dahil excited talaga ako.

 

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon