Zuri's Pov
Kapwa na kami nakaupo ngayon ni Empire sa upuan nitong parke.
Mukhang malayo din ang iniisip niya. Ano kaya iyon?
"Ah Empire, may gusto sana akong sabihin sayo,"
"Save mo na lang iyan mamaya, bili lang ako ng ice cream para sa atin."
I smiled at him bago siya naglakad paalis.
Ano na nga ba iyong sasabihin ko kay Empire?
Ah, aaminin ko na sa kanya ang totoo, na wala na kami ni Ion. Papaliwanag ko na sa kanya ang lahat lahat.Pinagmasdan ko si Empire habang naglalakad palayo.
Kasabay naman no'n ay ang paglapit sa akin ng batang babae at batang lalaki.Ang cu-cute nila, pero mukhang kawawa sila dahil pinabayaan na sila ng mga magulang nila.
Bakit kaya may mga ganoong tao eh 'no.
Basta na lang nilang iniiwan ang mga anak nila, hindi ba nila naisip na blessing ang bawat bata? Hay hindi ko ma imagine na magiging katulad ko ang mga batang ito, buti na lang pala ma swerte ako kila Mommy at Daddy.Na miss ko tuloy sila!
"Ate para sa inyo po!"
Sabi ng batang babae habang inaabot sa akin ang isang dosenang kulay pink na rose.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Kanino naman nanggaling ang mga bulaklak na ito Bibi?"
Sunod namang nagsalita ang batang lalaki.
"Pakibasa na lang daw po ito Ate!"
Inabot naman sa akin ng batang lalaki
ang isang card at ang tatlong pakete ng marshmallow."Anong itsura no'ng lalaki, mga bibi?"
Hindi naman sila sumagot kaya hinayaan ko na lang.
"Oh sige kung ayaw n'yong sabihin, hindi ko na kayo pipilitin."
Ngumiti naman sila sa akin.
"Oh kunin niyo na 'to, tig isa niyo na lang."
Iniabot ko sa kanila iyong dalawang pakete ng marshmallow.Noong una tumanggi sila pero hindi nagtagal, tinanggap din naman nila ito.
"Salamat ate!"
Ngumiti ako sa kanila. "Welcome, mag ingat kayo ah."
Tsaka ko sila pinagmasdan habang paalis.
Sino naman kaya ang nagbigay nito? Yah! Wala naman akong ideya, sino naman kaya ang taong nakakaalam na favorite ko ang pink na rosas. Walang ibang nakakaalam na favorite ko ang marshmallow maliban kila Mommy at Kila Ion pati kay Empire.
Binuksan ko ang card mula sa pagkakatupi nito.
"Ang ganda mo palagi! From: Mr. E"
Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa pagka confuse na binibigay sa akin ng Card na ito.
Teka nga lang, iisa kaya ang taong gumawa nito doon sa taong gumawa ng eksena sa matandang puno?
Hindi kaya si Empire ang gumawa ng lahat ng ito?
Pero imposible naman yata.!
Eh kung itanong ko kaya sa kanya?
Sakto naman dahil nakikita ko ng palapit sa akin si Empire.
"Nainip ka ba? Sorry ah, marami kasing costumer kanina kaya hindi ako nakalusot, mahaba ang pila eh."
Ngumiti naman ako sa kanya pero ang totoo ay nasa card pa rin ang atensyon ko.
"Oh ano iyan?"
Hala! Lagot, napansin na niya ang hawak hawak kong card.
"Ah ayon nga sana ang gusto kong itanong sayo eh. Baka may alam ka rito?"
Sorry pasmado lang. Natanong ko na eh.
Kinuha naman niya ito ng akmang iabot ko ito sa kanya.
"Mr. M? Sino naman 'yon?"
"Ayon nga din ang ipinagtataka ko eh. Wala naman akong kilala na Mr. M."
"Asus, baka naman may secret admirer ka. Heto nga pala 'yong binili kong ice cream muntik ng matunaw ng dahil sa card na ito."
Pati na din siya naintriga ng dahil sa card na 'to.
"Salamat."
Tumingin siya sa akin ng makahulugan.
"Hindi kaya galing kay Ion 'yan? Sino ba ang nagbigay at kung galing nga talaga 'yan kay Ion bakit kailangan pa n'yang magpa mysterious?"
"Dalawang bata 'yong nagbigay. Tsaka may kailangan kang malaman tungkol sa amin ni Ion."
Kumunot naman ang noo niya tsaka siya nagkamot ng ulo.
"Ano naman iyon?""A-ahm, k-kasi a-ano."
"Ano?"
"A-ahm kasi m-mahirap s-sabihin eh."
"Yah! Sabihin mo na, ako lang naman 'to eh."
"B-break na kami n-ni I-ion."
Nautal yata ako doon ah. Nakakahiya naman kasi eh.
Dinilaan niya 'yong hawak n'yang ice cream.
"So p'wede na akong manligaw sayo, free ka na eh."
Bulong niya pero malinaw ko naman itong narinig. Namula yata ako ah!
"May sinasabi ka?"
"Ah wala, guni guni mo lang 'yon."
Ahy loko ah! May sinabi kaya siya 'no, narinig ko eh.
Ngumiti na lang ako sa lokong kasama ko.
Napasaya mo na naman ako Empire. Pero confuse pa rin ako tungkol sa nagbigay ng card at sa marshmallow na iyon. Who you ba kasi? Hashtag new mysterious guy is in the air na naman ba?
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
DiversosSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...