Chapter 46

1 3 0
                                    

Empire's Pov

Sinasabi niya na okay lang daw siya. Paano magiging okay eh halata naman na nagseselos siya. Itong si Citric din naman kasi eh, i feel bad na naman tuloy kay Zuri.
Kailangan ko siyang makausap, hindi ko kaya na nagagalit sa akin ang mahal ko.

Nauna na siyang pumasok kaya hindi ko siya nakausap kanina ng masalo ko siya, no'ng muntikan na siyang matisod sa may pintuan nitong bus.

"Are you ok?"
"Sa tingin mo ba okay lang ako Citric? Nagalit si Zuri sa akin ng dahil sa 'yo."

Rude man kung iisipin pero hindi naman kasi dapat na eeksena 'tong si Citric dahil nakita ko kanina ang galak sa mukha ni Zuri ng sabihin niya kay Kalin na kaming tatlo ang magkaka grupo.

"Dahil kay Zuri, galit ka na din sa akin? umaasa ka pa rin ba sa kanya hanggang ngayon?"
"Paano mo nasasabi iyan sa harapan ko? may respeto ako sa 'yo pero bakit gan'yan ka kung magsalita?"

Sa pagkakaalam ko kay Ion lang ako naiinis, pero bakit ngayon pati kay Citric?

"Empire, may Ion na siya. Hindi na ikaw ang mahal niya. Hindi na kayo p'wede, matalino ka pero 'yon mismo hindi mo maintindihan?"
"Kaysa naman sa 'yo. Matalino ka nga pero hindi mo naman maintindihan na ayoko sa 'yo."

Rude na kung Rude, pero alam ng lahat na ayoko sa kanya. Dahil sa ngalan ng pag-ibig, si Zuri lang ang gusto at mahal ko.

"Mali yata ako ng pagkakakilanlan sa 'yo Empire, akala ko pa naman mabait ka, 'yon pala ubod ng gaspang ang ugali mo."
"Hindi nasusukat sa ugali ng tao ang pagmamahal. Kung mahal mo siya, kahit ano pa ang ugali niya, tatanggapin at tatanggapin mo pa rin."

Matagal ng umamin si Citric na gusto daw niya ako, pero, alam niyo naman na loyal ako sa isa d'yan.
That time siguro is noong part na pinagtatabuyan ako ni Zuri at noong pumasok ako sa room nila as they're classmate.

"Hindi na kayo p'wede ni Zuri eh. Bakit siya pa kasi? May Ion naman na siya 'di ba?" naiiyak na siya.

"Kung sa tingin mo hindi na kami p'wede, para sa akin, may pag-asa pa."
saka ako tumalikod at hindi na siya nilingon pa. 

Mas'yado ba akong rude kanina kay Citric? o tama lang iyon? kung sana lang kasi hindi siya nagpumilit, 'di hindi sana siya nasaktan at hindi sana ako naging rude sa kanya. Hayaan mo na! siya naman may kasalanan eh.
Sa totoo lang, magalang ako sa mga babae pero kapag napuno na ako, sus baka hindi ko na matagalan pa.

Mabuti pa't maghahanap na lang ako ng t'yempo para makausap ko si Zuri.
Hindi ako nakatatagal sa part na galit sa akin ang mahal ko kaya kailangan ko na talaga s'yang makausap.
Bahala na, haharapin ko lahat ng sasabihin niya, basta ba magkaayos lang kami, ayos na sa akin 'yon.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon