Zuri's Pov
4 days na pala ang nakakalipas simula noong nagpunta kami ni Empire sa puntod ni Ion. It's christmas day, mamayang gabi ay noche buena na.
"Hello, Empire? Dito na daw kayo mag nonoche buena ni Tita, iniimbita kayo nila Mommy."
"Uy, pakisabi thank you ah, magdadala ba kami ng food?"
"Uy huwag na marami naman silang niluluto dito eh, sige see yah, 'yong regalo mo sa akin huwag mong kalimutan."
"Sige, 'yong akin din, huwag mong kalimutan ah."
"Sige, see you mamayang gabi."
"Sige!"
Then i end the phone call.
"Oh ano anak? Anong sabi nila?"
"Mom, opo daw, pupunta daw po sila."
"Sige, anak at marami pa kaming gagawin doon sa loob."
"Sige po Mom, Merry Christmas po!"
Kiniss ko si Mom tsaka niya ako niyakap and she kissed my forehead.
*****
Heto na kami, pinagisa ng mga pagsubok at mga kasalanan. Pero hindi naman yata iyon importante dahil ang kasalanan ay napagbabayaran at higit sa lahat ang pagkakasala ay napapatawad.
Sinong mag aakala na makakarating kami rito, sinong mag aakala na sa kabila ng magulong istorya ay magkakasama kami at magkakasalo sa hapag kainan.
"Zuri, anak, labas ka na riyan, kakain na tayo."
Pinatid ko ang mga luha na tumulo sa aking pisngi at binaba ang hawak hawak kong larawan namin ni Ion.Naalala ko na naman kasi ang pagkawala ni Ion, kahit na nagkahiwalay na kami noong mga panahon na nawala siya, hindi mo naman maiaalis iyon sa akin dahil, nakasanayan ko na ang kasama siya. Sinong mag aakala na ang maangas na Ion ay nasa hukay na ngayon at namamahinga. Kasalanan iyon lahat ni colon cancer.
"Opo Mom! Palabas na po ako."
"Sige, hinihintay ka na ng mga bisita."
Inayos ko na ang mukha ko at ang sarili ko, ayoko na makita nila akong umiiyak, dahil panahon ngayon para magsaya at hindi para umiyak.
Pagkababa ko ay walang tao sa sala, kaya tinungo ko ang kusina at tama nga ako dahil naroon nga sila at naka p'westo na. Siguro ako na lang ang hinihintay nila doon.
"Oh, Zuri, merry christmas!"
Bati iyon sa akin ni Tita tsaka niya ako hinalikan sa pisngi."Merry christmas din po tita!"
"Zuri, merry christmas!"
"Merry christmas din Empire!"
"Merry christmas din po Mom, Dad and Lola."
"Zuri apo, merry christmas!"
"Merry christmas our baby, we love you!"
Sabay pa sila Mom and Dad sa pagbati sa akin, mukhang pinaghandaan yata nila 'to."Sabay pa po ah, i love you too."
Then i hugged them."Kainan na!" Sigaw iyon ni Empire habang nagsasalin ng wine sa baso naming lahat.
We are in legal age kaya p'wede na kaming uminom pero hindi ibig sabihin no'n ay magpapakalasing na kami.
Ang saya saya namin, dati kaming apat lang ang nag cecelebrate ng pasko, pero ngayon. Anim na kami. May dumagdag na sa pamilya namin, at sila tita iyon.
Kainan dito, kainan doon. Tawanan doon at tawanan dito.
Nang matapos na kaming lahat sa pagsasalo at pagkain ay nag decide sila Mom na magpalipas ng oras sa karaoke na sinet ni Dad.
Habang naroon silang apat ay narito naman kami ni Empire sa labas ng bahay. Wala pang new year pero ang dami ng nagpapaputok ng fireworks.
"Hm!"
"Ano naman 'yan?"
Tanong ko kay Empire nang akmang may inabot siya sa akin."Lusis!"
Maikli niyang sagot."Lusis? Eh wala pa namang new year ah, pasko pa lang 'no."
"Bakit? Bawal bang mag lusis ngayon?"
"Ahm, hindi naman!"
Kinuha niya ang lighter tsaka niya sinindihan ang hawak hawak naming lusis.
"Mag wish ka, mainam daw 'yon kapag may lusis ka."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Talaga?"
"Oo bilisan mo na at baka maubos pa 'yan."
"Oo nga 'no sige na."
Pinikit ko ang aking mga mata tsaka ako nag wish sa aking isip.
"Anong in-wish mo?"
"Secret!"
"Sus, may pa secret secret ka pa talaga ah."
"Siyempre! Ikaw ba?"
"Eh, ang daya! Pero sige, winish ko na sana mabigyan mo ako ng second chance."
"Ahm, ganoon? Sige, your wish is my command."
"Wah! Talaga? So tayo na?"
Napatalon talon siya ng dahil sa tuwa."Oo, ayaw mo ba?"
"Gusto, gustong gusto."
Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya niyakap.
"Basta, huwag mo na akong sasaktan ah!" Bulong ko sa kanya.
"Yes my Life."
Kasabay no'n ay ang pagkulong niya sa akin sa kanyang bisig."Ayon 'yong dating Cs natin 'di ba?"
Tanong ko sa kanya habang hindi pa kami naghihiwalay sa pagakakayakap."Oo," Balik niyang bulong sa akin."
Hinalikan ko siya sa pisngi niya.
"I love you Life!"
Kasabay no'n ay ang paghalik niya sa pisngi at sa noo ko."I love you too Life!"
Nagulat ako nang bahagya niya akong hinila papunta sa loob kung nasaan sila Mom.
"Good news po, kami na ulit ni Life."
Masayang sabi ni Ion kila Mommy, tsaka sila lumapit sa amin at akamang makikipag group hug. Maliban kay Dad. Habang sila Tita, Lola at Mommy ay napatalon talon pa sa sobrang saya at excited.
"Dad?" Nag pout ako kay Daddy.
"O siya sige na nga, basta Empire, huwag mo na ulit sasaktan ang anak ko ah."
Seryosong sabi ni Dad."Opo Dad, este Tito noted po."
Sabay ngisi."Yey, kasalna ba this?" Si Mommy talaga.
"Oo nga, honeymoon na ba?" Pati ba naman si Tita?
"Hay, baka naman, magkakaapo na ako sa tuhod ah." Pati ba naman ikaw Lola?
Nakatawa lang kami ni Empire habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Ang advance nila masyadong mag isip eh!
"Wala munang ganoon."
Sigaw ni Dad."Oo naman po Dad!" Niyakap ko si Daddy ng mahigpit.
"Nasaan gift ko?" Tanong ko kay Empire.
"'Yong lusis!" Sagot niya.
"Eh sa akin?" Balik naman nitong tanong sa akin.
"'Yong oo ko!"
Tsaka kami nagtawanang lahat at nag group hug ulit at this time, kasama na si Daddy.
YEY!!!
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
De TodoSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...