Zuri's Pov
Nakarating ako sa school na walang nakikitang kahit anino ni Ion.
Tinatawagan ko din siya at tine-text pero, he's not responding.
Last subject na ng class namin this morning, pero wala pa rin siya, gustuhin ko man siyang komprontahin sa mga nakita ko kanina ay wala naman akong magagawa dahil wala siya ngayon dito sa school.Mag-isa lang akong nakaupo ngayon sa pwesto namin ni Ion, isama mo na rin ang pwesto dapat ni Empire, pero nagulat ako dahil pagpasok ko kanina ay nag-iisa na siyang nakaupo sa bakanteng likod.
Iniisip ko tuloy na mukhang ako ang dahilan kung bakit siya nakaupo sa bakanteng likod, ako naman talaga ang dahilan dahil sinabihan ko siya ng masasakit na salita. pero mukhang gumana naman dahil hindi na niya ako ginugulo.Tahimik ang araw ko ngayon sa School, Lumalayo na sa akin si Empire, wala o hindi pumasok ang boyfriend kong si Ion, saka dalawang araw nang hindi pumapasok ang Best friend kong si Kalin, ewan ko ba pero baka masama pa talaga pakiramdam non.
Feeling ko mabibingi ako sa sobrang tahimik, lalo pa't walang nag-iingay dito sa Room namin. Nakatitig lang ako sa may bintana ng may nagsalita.
"Empire, dito ka na lang sa tabi ko, wala naman akong katabi eh, saka mag-isa ka lang d'yan," malakas na sabi ni Citric, ang kaklase naming palakaibigan.
"No, hindi ko gustong maabala kita, Binibini," pagtanggi ni Empire sa alok ni Citric.
Ayoko sanang tumingin sa likod pero napatingin ako dahil sa pag-sisigawan ng mga kaklase namin. kaya naman pala sila nagsisigawan, nakahawak si Citric sa kamay ni Empire, saka nito hinihila si Empire at pinipilit na paupuin sa pwesto niya.
"Bagay kayo!" malakas na sigawan ng mga kaklase namin na babae.
Totoo naman na bagay sila, pareho silang maganda at g'wapo, sino nga naman ang hindi magkakagusto kay Empire, eh siya na nga yata ang ideal partner ng lahat ng babae, pero siyempre mas g'wapo pa rin ang Ion ko, kahit kailan hindi ko ipagpapalit ang mahal ko.
Tumayo si Empire at pumuwesto sa tabi ni Citric. Teka, ba't parang kumirot ang puso ko, dapat nga sana masaya ako dahil magkakaroon na ng girlfriend si Empire at 'yon lang ang tanging paraan para tigilan na niya ako, pero bakit parang masakit sa puso na masaya si Empire sa tabi ng iba.
May Ion na ako, at hindi ko na kailangan ng Empire sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
CasualeSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...