Zuri's Pov
Ang aga kong nagising at hindi ko namalayan kagabi na nakatulog pala ako sa sobrang saya talaga nga naman kasing hindi mo maitatago ang saya kapag kasama mo ang buong pamilya, saka ramdam ko talaga na mahal nila Mom at Dad ang isa't isa. I wish na sana hindi 'yon magbabago, at mananatili ang pamilya namin na buo at masaya.
Pagkatapos kong gawin ang Morning routine ko ay bumaba na ako para makakain ng breakfast, at sakto na nasa lamesa na pala silang lahat at ako na lang ang tanging hinihintay.
Binati ko silang tatlo at hinalikan sila sa pisngi.
"Kumusta ang tulog, Baby?" eto na naman si Dad, sweet talaga siyang tao, that's why Mom would in loved with him.
"Ayos lang naman Dad, you know masaya kasi masaya tayo kagabi eh."
nakangiti kong sabi."Lola, salamat po sa masarap na breakfast." utas ko kay Lola.
"Wala 'yon apo." si Lola habang nakaupo.
"Magdasal muna tayo," sabi ni Mom, relihiyosa kasi si Mom, kahit busy siya, mas inuuna niya pa rin si Lord even she's been busy all the time.
May sariling dasal si Lola at Mom pero mayroon akong sariling idinadasal.
'yon ay sana maging matiwasay ang araw ko ngayon at sana hindi manggulo si Empire. Ayun lang at wala ng iba, ayoko naman kasi na siya ang maging dahilan kung magkakalabuan man kami ni Ion, i don't know pero takot akong mawala si Ion sa buhay ko. ayokong maiwan ulit sa ere.Tapos na kaming magdasal at naupo na para magsimulang kumain, mabilis lang akong kumain dahil ayokong mahuli at baka magkaroon pa ako ng expenses sa school namin. nagpaalam ako kila Mom at nag offer sila na ihahatid ako pero tumanggi ako kasi alam ko naman na may asikasuhin pa sila sa opisina.
Hindi din kasi ako masusundo ngayon ni Ion dahil may ginagawa daw siyang importante, babawi na lang daw siya sa paghatid sa akin mamayang uwian.Nakalabas na ako ng gate, at naghihintay ng taxi. habang nagjihintay ako ay nag message ako kay Ion na mauna na ako sa school, nakakalungkit kasi hindi kami sabay ngayon papuntang school. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala paring reply si Ion kaya tinago ko na ang cellphone ko sa loob ng bag at sakto naman na may taxi ng palapit. pumara ako at pisinakay ako ni kuyang driver.
Tahimik lang ako sa loob ng taxi, hanggang sa makarating kami kung saan maraming sasakyan at traffic ang daan. Tumingin ako sa labas at parang may nakita akong mga pamilyar na tao?
tinitigan ko pa sila ng mabuti at napagtanto ko na parang si Ion at si Tita Glesilda? ano naman kayang pinaguusapan nila Ion at ng Mommy ni Empire? at parang nag-aaway pa sila dahil sa estilo ng paggalaw ng kanilang mga bibig sa pagsasalita. bababa sana ako para tignan kung sila nga ba yon o hindi, pero sakto namang umusad ang daan at nawala sa paningin ko ang direksyon na tinitignan ko kanina. Bakit sila magkakilala? Sila nga ba 'yon? At bakit parang nag-aaway sila? Hindi ako sigurado kung sila ba talaga 'yon kasi malayo sila sa akin. pero pagkakita ko kay Ion, tatanungin ko siya ng direkta.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
De TodoSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...