ION
Happy second anniversary Mahal. Sorry ah wala ako riyan. Kung alam mo lang sana, gustong gusto kitang puntahan riyan pero ano kasi eh, ang sakit ng katawan ko, nasusuka ako, ang sakit ng tiyan ko, ang sakit ng ulo ko, tsaka ang sakit ng puso ko.
Kung alam mo lang sana, alam ko na nagtatampo ka sa akin ngayon, pero mas nagtatampo ako, hindi sayo, kundi sa tadhana, napakasama kasi niyang maglaro eh, tayo pa ang napaglaruan niya, hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng ganitong sakit at cancer pa, isabay mo pa ang pagbibilang ko sa natitirang araw ko rito sa mundo.
Sana maintindihan mo muna ako, hindi din muna ako makakapag text sayo dahil masakit ang kamay ko at hindi ako makapag type ng message para sayo.
Sorry din kung hindi ako makatawag sayo dahil ayokong marinig mo na hinihingal ako at malakas na napapaubo.
Alam ko na kung ano ano na siguro ang iniisip mo tungkol sa akin pero magtiwala ka lang. Wala naman akong ibang minahal at mamahalin eh kundi ikaw lang.
Kung gagawa man ako ng message, tatlo lang ang posibleng nilalaman nito.
Salamat, Patawad, at Mahal kita.
Sana huwag mong isipin na hindi ko icecelebrate ang second anniversary natin, maghintay ka lang at may darating sayong bagay na talagang paborito mo at natitiyak kong magugustuhan mo.
*****
(Fan fact)
Iyan is noong nasa Cagayan pa sila Zuri at Empire.
Remember noong, nag pretend si Empire as Ion sa Jollibee? Na napili nilang location.Hehe ;)
<3
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
De TodoSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...