Zuri's Pov
Pagkatapos dumalaw ni Ion sa bahay ay hindi na siya nagparamdam ulit.
Gets ko naman kung busy siya, pero sana man lang magawa niya akong kumustahin. Lalo pa't ngayon na ang alis namin papuntang Cagayan.
Sana man lang nandito siya at sabihing mag-ingat ka mahal, hihintayin kita pagbalik mo. Ice-celebrate natin ang second anniversary natin.Pero wala eh, minsan nakakatampo na rin si Ion. Buti na lang nakakapagtimpi pa ako at naiintindihan ko pa kung paano ang magkaroon ng boyfriend na busy sa sarili nilang opisina.
Hinihintay ko na lang ang sasakyan dahil susunduin daw nila kami sa kanya kanya naming mga bahay.
Ewan ko lang kung nandoon na sa bus sila Empire at Kalin. Pero sana nandoon na sila para hindi ako atakihin ng boredoms, dahil kung ako ang maghihintay sa kanila, malamang sa malamang mamamatay ako dahil sa bored.Nakayuko ako habang chinecheck ang backpack ko kung nadala ko na ba lahat ng gamit na dadalhin ko.
Biglang may bumusina kaya napatigil ako sa pagtingin sa bag at akmang titignan kung sino ang bumusina. Lumapad ang ngiti ko ng makita na nandito na ang bus na sasakyan namin papuntang Cagayan.Hirap ako sa pagbubuhat ng maleta ko kaya nakita kong bumaba si Empire at panigurado tutulungan niya ako sa pagbuhat sa maletang dala ko.
"Ako na lang d'yan, sumakay ka na doon." utos niya sa akin kaya agad naman akong pumasok sa loob ng bus.
"Salamat Empire." pahabol kong sabi sa kanya bago ako makapasok ng tuluyan sa loob.
Ngumiti lang siya sa akin kaya naman wala na akong dahilan para manatiling nakatayo sa may pintuan ng bus.
Hinanap ng mata ko si Kalin pero mayroon na siyang katabi sa upuan.
"Doon ka na sa tabi ni Empire, sure ako na wala pa siyang katabi." sambit ng kaibigan kong loka loka.
"Bakit doon, nakakahiya. Mag so-solo flight na lang ako." pagbabanta ko at akmang uupo sa may likuran pero biglaan akong hinablot ng nasa harapan ko.
"Dito ka na sa tabi ko, wala akong kasama." utos na naman niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umupo na lang.
"Sige." utas ko.
"Ba't parang malungkot ka yata?" tanong nito ng makaupo na ako ng maayos.
"Wala lang. Ma mi-miss ko kasi sila Mom, Dad, at Lola." palusot ko, dahil hindi naman talaga iyon ang dahilan.
"Sus, parang hindi naman kita kilala. Malungkot ka dahil kay Ion no?" usisa nito na parang nabasa ang iniisip ko.
"Oo na, hindi man lang kasi niya ako sinabihan na mag-ingat. At hindi man lang kami nakapag-paalam sa isa't isa." paliwanag ko.
"Sus, 'yon lanf naman pala. Eh 'di mag-ingat ka." utas nito na nakapag pangiti sa akin.
"Para kang baliw, pero salamat." nakangiting sabi ko.
"Gusto mo ba dito sa bintana?" tanong niya.
"Oo sana kung pwede? gustong gusto ko kasing makakita ng mga magagandang tanawin." sabi ko kaya nakipagpalit siya sa akin ng pwesto.
"Ano komportable ka na ba?" tanong niya.
"Oo." sagot ko naman.
"Masaya ka na?" tanong na naman niya ulit.
"Medyo." sagot ko naman at tumawa kami ng mahina para hindi kami marinig ng mga classmates namin at para din hindi na ma issue.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
AcakSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...