Chapter 23

3 3 0
                                    

Empire's Pov

Pagpasok ko sa room, i saw Zuri na nakaupo na sa pwesto niya.
Kaya umupo na din ako sa pwesto ko sa may likod. Lalapitan ko sana siya pero sakto din na dumating si Ion, wrong timing. Bakit na nga pala siya pumasok.
Is she already okay, kagagaling niya lang sa Hospital yesterday, ang bilis naman yata niyang naka recover.

Sinamaan ko ng tinigin si Ion habang naglalakad papunta sa pwesto nila ni Zuri.
Parang gusto kong manapak ng halikan niya sa pisngi ang dyosa ko, everytime he kiss my Zuri parang gusto kong pumatay ng tao, pero hindi ko gagawin 'yon dahil hindi ako criminal kagaya ni Ion.

Dumating na ang Prof namin kaya umayos na ako ng upo, this is the day na mag e-exam kami. kaya kaya ng dyosa ko? baka hindi pa niya kayanin ang mag-exam, pero malaki ang tiwala ko na kaya niya. at sigurado ako na 'yon ang ipinupunto niya kung bakit siya pumasok ngayon.

Parang ang bilis ng oras dahil tatlo na ang natapos namin na test, and this time i te-take na namin ang exam namin kay Ma'am Rora, our prof in fashion designing. Kasabay din nito ay ang pagpapaalam ni Ion kay Zuri, dahil hiwalay pala sila ng kursong kinuha.
Siguro, iniisip ni Zuri na pati sa mga course choosing eh sinusundan ko siya which is mali, dahil ginawa ko ito para sa akin, para sa amin, dahil gusto ko kapag ikakasal na kami ni Zuri, kasama ko siya sa pag-design ng damit namin pang-kasal.

Mukhang madali lang naman ang mga questions, kaya sure ako na mapeperfect namin ito ng dyosa ko.
sinimulan ko ang pagsagot pero napalingon ako kay Zuri, napagtanto ko na parang inaantok siya, o baka naman nahihirapan siya. kaya napagpasiyahan ko na dalawa ang sasagutan kong papel para sa akin at para sa dyosa ko.
Buti na lang at wala ang prof namin ng buong oras kaya hindi niya nakita na natutulog si Zuri. kaya nagkaroon din ako ng time para sagutan ang papel naming dalawa.

Natapos ko ang pagsagot at sinabi ng prof namin na ipasa na lahat ng questioner at pati ang mga sagot namin kaya pinasa ko ang papel namin ni Zuri.

Napalingon ako sa direksyon ng Zuri ko, kaya napansin ko na parang hindi siya mapakali nang sabihin ni Prof na i a-announce daw niya lahat ng nakasagot ng maayos sa exam.

nagulat siya ng matawag ang pangalan niya, lumingon siya sa akin kaya ngumiti naman ako.
Tumunog ang phone ko at agad ko itong tinignan para malaman kung importante ba ang text o hindi.
"Mag-uusap tayo mamaya," Si Zuri pala, ang nilalang na mas importante pa kaysa sa buhay ko.
"Sige," this is the second time na nginitian ako ng dyosa ko dahil sa mga tulong na ibinibigay ko sa kanya.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon