Chapter 74

2 3 0
                                    

Zuri's Pov

Lumipas ang dalawang buwan na hindi ako nagpaparamdam sa magkapatid.
Sa school, kahit pinapansin ako ni Empire, hindi ko siya magawang tignan at pansinin o kausapin man lang.
Dalawang buwan na din ang lumipas simula noong malaman ko ang totoo tungkol sa magkapatid.

Mahirap Oo, pero hindi naman tayo diyos eh para hindi makalimutan ang kasalanan ng mga tao sa atin. Tao lang din tayo, nasasaktan, tao lang din tayo, nahihirapan at umiiyak, pero tao lang din tayo nagpapatawad. Kaya kapag nagkita kaming tatlo, isama mo na din ang Mommy nila, i will forgive them, dahil iyon ang tamang gawin, for the sake of being a good person.

"Anak, gising na, ma le-late tayo sa graduation mo."

Oo nga pala, graduation na namin. Ang lahat ng paghihirap sa school at sa nakalipas ay nalagpasan na namin, at kung mayroon pang pagsubok, tiyak na malalagpasan din namin 'yon.

"Opo Mommy, gising na po ako."

Kaagad akong bumangon at pumuntang banyo para maligo at makapag ayos.

"Anak, puwede bang pumasok?"

"Opo, Mommy, bukas po iyan, pasok lang po kayo."

Tinignan ko si Mommy at lumapit siya sa akin habang nakangiti.

"Anak, i have a surprise for you. Charan."
Pumasok naman ang mga tao na natitiyak ko na sila ang mag aayos sa akin.

"Mom, 'di ba po sabi ko sa inyo na huwag na kayong kumuha ng make up team. Kaya ko naman pong mag ayos mag isa eh." 
Hinaplos ni Mommy ang buhok ko.

"Anak, hindi porket 20 ka na ay hindi mo na ipagkakaloob sa akin na tulungan ka sa mga bagay na makakapag pabuti ng buhay mo."

Ngumiti na lang ako kay Mommy kahit na labag sa kalooban ko ang magpa ayos sa iba, sanay naman kasi ako na ako lang mag isa ang nag-aayos sa sarili ko. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako eh, kapag ka blinoblower nila ang buhok ko ay parang natatakot ako na baka masunog nila iyon.  Ewan pero mukhang OA lang hehe.

"Ma'am, ang ganda naman po ng anak ninyo, at kahit hindi po ayusan 'yan, im sure na maganda pa din po."

Natawa tuloy ako pero pinigilan ko iyon dahil baka mapansin ng bakla na mag aayos sa akin na pinagtatawanan ko siya.

"Siyempre, nagmana yata sa akin iyan 'no."

Nako, si Mommy talaga oh, napaka clumsy din kung minsan eh.

Sinimulan na nila ang pag aayos sa akin, lahat ng kagamitan nila ay hindi ko alam, nakakatawa man pero iyon ang totoo. Hindi naman kasi ako mahilig mag make up, kaya malay ko ba kung ano ang mga tawag rito.

Panay naman ang picture ni Mommy sa akin habang inaayusan nila ako, mukhang mas excited pa talaga ang Mommy ko kaysa sa akin.

"Mom? Nasaan nga po pala sila Daddy at Lola?"

Nag wink pa si Mommy bago sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Nasa venue, inaayos iyon para pagkatapos ng graduation, mag ce-celebrate tayo."

Ngumiti na lang ako kay Mommy at muling hinarap ang salamin.

Nakwento ko na nga rin pala ang lahat lahat kila Mommy, mula sa panlolokong ginawa sa akin nila Ion at Empire, galit na galit sila pero buti na lang ay nakapag move on na din sila kagaya ko. Siguro nga sapat na 'yong dalawang buwan para mapatawad sang mga ginawa nilang pagkakamali sa akin.

****

Nakarating kami sa school ng matiwasay at tahimik. Dumiretso kami sa gym at naupo sa table na naka reserve para sa amin.

 FROM EX TO FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon