Empire's Pov
Sumakay ako sa kotse ko at agad na pinaharurot ito papuntang school. Kailangan kong makausap si Zuri.
Tinignan ko ang phone ko at nakita ang text ni prof na kanina pa pala.
From; Prof <3
Empire, need ka namin dito sa school!Sakto, kailangan kong makausap si Zuri.
Sa wakas ay nalaman na din niya, ang bagay na ikinatatakot kong malaman niya ay narinig na niya.
Hindi naman sana mawawala sa akin si Zuri kung hindi dahil sa panloloko nila Mommy sa akin.
Deserve ko ba talagang masaktan at maloko? Lalo pa't, kadugo ko din ang gumawa no'n sa akin.
Sa tingin ko, galit na galit ngayon si Zuri, kanina pa lang na nakikita ko siyang umiiyak ay parang nasasaksak na ang puso ko, how much more pa kaya kapag nakita ko siyang nahihirapan.
Ang gago gago naman talaga kasi ni Ion, paano ba kasi nila nagawa iyon sa akin? Sila pa na pamilya ko? Kapag may nangyaring masama kay Zuri, hinding hindi ko sila mapapatawad.
Bumaba ako ng kotse ng makarating ako sa gate ng school.
Pagka park ko sa sasakyan ay kaagad na tumakbo ako at nagtungo sa area kung nasaan sila Prof."Oh Mister Empire, ba't ang tagal mo naman yata, naunahan ka pa talaga ni Miss Zuri, you two are always late!"
Nakita ko si Zuri sa tabi nila Kalin at namumula ang mata. Grabe yatang umiyak kanina si Zuri, masasapak ko talaga si Ion eh.
"Sorry Prof, dinalaw ko pa kasi si Lola sa hospital at 'yong isa d'yan, dinalaw ang kapatid niya sa hospital."
Mukhang nagpaparinig yata siya ah.
Pero deserve ko naman kasi."Ah si Mr. Ion."
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Prof.
"Alam niyo po Prof?" Tanong iyon ni Zuri kay Prof.
"Ow, wait, paano nangyari 'yon?" komento naman ni Citric.
"So niloloko niyo lang pala ang best ko?"
Yah, Kalin parang ganoon na nga."Yah, matagal ko ng alam, nagkaiba sila ng apelyido dahil ang ginamit ni Ion ay ang middle name ng Mommy nila, at si Empire naman ay ang natural na apelyido nila."
Tama ang ipinaliwanag ni Prof, ganoon nga talaga iyon! Buti na lang at hindi na ako magpapaliwanag pa kay Zuri.
"So matagal niyo din po palang itinago sa amin?" Tanong na naman iyon ni Zuri.
"Dahil ang alam ko ay matagal mo ng alam."
Tinignan ko ang reaksiyon ni Zuri sa bagay na iyon at nakita ko na mukhang lubha nga talaga siyang nasaktan ng dahil sa nangyari.
"Pinatawag ko nga pala kayo dahil, ang booth natin ang nanalo sa best selling booth."
"Yes! We need to celebrate, guys!"
Talaga Citric? Makakapag celebrate ka talaga sa kabila ng mga nangyayari?Pero kung gusto mong mag celebrate, go!
"No time for celebration!"
Malutong na pinakawalan iyon ni Zuri sa harapan naming lahat.Tsaka siya umalis at kumaripas ng takbo.
Naisipan ko siyang sundan pero kaagad na naglaho siya sa paningin ko.Hay, hindi ko talaga makakaya na hindi mo ako kinikibo Zuri, i need to do something para magkaayos tayo My love!
Gagawin ko ang lahat, magka ayos lang tayo. Kahit ikamatay ko pa mahal ko.!
Mukhang naiiyak yata ako.
BINABASA MO ANG
FROM EX TO FOREVER (Completed)
RandomSana ako na lang. Para hindi ka na masaktan. Pero wala eh, past lang ako, may present ka na.! Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento kung nagumpisa sa pagpapalitan lang ng Text messages ang tulay para magkausap sila uli't. Ano ang gagawin mo...