The Korean Heartthrob Next Door
Copyright © 2013 by michyeokpop
____________________________
“Mali po talaga yang iniisip mo ate Des… Nagkataon lang kasi na sinundan pala ako ni L kaya nandito rin siya…” Pilit kong pagpapaliwanag kay ate Des na nakangiti habang ang sama naman ng tingin ni kuya Carl kay Korean boy. Nakatayo lang si kuya Ken sa tabi ni ate Des na walang ekspresyon ang mukha.
“Jul! Huwag mo na kasing ideny… right L?” may kung ano na ipinapahiwatig ang mga mata ni ate Des at tinaas baba niya ang kilay niya habang nakatingin kay Korean boy. Walang imik lang si Korean boy habang nakikipagtitigan lang ng masama kay kuya Carl.
“Ate Des! Please believe me…” Nagpout ako habang nagmamakaawa kay ate Des.
Uwaahh!! Sana maniwala na siya…
“Ang cute mo Jul! Pero you’re dating L right?” Pinisil ni ate Des ang pisngi ko at nakangiti ng napakalapad.
“Nooo!!! That’s not true… diba Jul!?” Nagulat ako nang bigla nalang nawala si ate Des at si kuya Carl na ang pumalit sa pwesto niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
“Opo… Hindi yun totoo kuya Carl… Nagkataon lang talaga na nakita ako ni L at sinundan ako papunta rito.” Ngumiti si kuya Carl at niyakap ako.
“Tss… michyeosseo!?” Nagulat ako nang bigla nalang magkorean si Korean boy. Ang sama ng tingin niya kay kuya Carl at ibinalik rin ni kuya Carl ang tingin na iyon.
“Ouch… Stop it!” Pilit na pinipigilan ni kuya Carl ang kamay ni ate Des na nakahawak sa tenga niya.
“Anong stop it!? Sinong nagsabi sa iyo na itulak mo ako? Ate mo pa rin ako no!!” Diniinan pa ni ate Des ang pagkahawak sa tenga ni kuya Carl.
“Ken!! Help me…” Pagmamakaawa ni kuya Carl kay kuya Ken na kasalukuyang nakangiti na bihira lang mangyari.
“Ken!!” Mangiyak ngiyak na sabi ni kuya Carl. Hinawakan ni kuya Ken ang kamay ni ate Des at agad namang bumitaw si ate Des mula sa pagkakahawak sa tenga ni kuya Carl. Nagholding hands si ate Des at kuya Ken at namumula na yung mukha ni ate Des.
Waahh… Nagbublush si ate Des…
“Serves him right…” Narinig kong sabi ni Korean boy.Nilingon ko siya at nakasmirk siyang nakatingin kay kuya Carl na pulang pula ang kaliwang tenga.
“So… Hindi kayo couple?” Pagtatanong ni ate Des na nakikipagholding hands pa rink ay kuya Ken.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...