The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 46
___________________________Simula nung dumating ako sa bahay ay parang nakalutang pa rin ako. Hindi ko alam kung paano nabuksan ang nakalock na pinto. Ilang minuto lang na matapos kong halikan sa pisngi si korean boy ay sinubukan ko ulit na buksan ang pinto. Bumukas naman ito at nakalabas na kami ni Korean boy.
"Jul?? Okey ka lang ba? Mukhang nakatolala ka ehh..." Ginalaw galaw ni Manang Gha sa harap ng mukha ko ang kamay niya. Bigla akong naalimpungatan at nginitian ko si Manang Gha.
"Okay lang po ako... May iniisip lang po..." sagot ko at nakita kong ngumiti at tumango si Manang Gha,
"Si ser L seguro laman ng esep niyan..." Narinig kong sabi ni Manang Gha bago siya tuluyang umalis. Hindi ko napansin na nakangiti pa rin pala ako. Hindi ko alam pero ang ganda ng pakiramdam ko yung parang nastuck lang ako sa moment na yun.
Mahal rin kita...
"Waaaaahhh!!!!" Nagreplay sa utak ko ang sinabi ni korean boy. Hindi ko napigilang hindi kiligin. Napahiga ako sa sofa at tinakpan ko ng soft pillow ang mukha ko para hindi marinig ang sigaw ko. Pagkatapos kong ilabas ang kasiyahan ko ay nabigla ako ng makita ko si Hanver na nakatingin sa akin.
"Sorry. Just continue your crazy thing." Sabi ni Hanver habang pinipigilan ang tawa niya. Napatingin ako sa ilalim dahil sa sobrang hiya. Nakita pala ni Hanver ang pagsigaw ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa direksyong yun.
Nakatingin lang si Hanver sa akin at walang emosyon ang mukha niya. Napatingin lang rin ako sa kanya. Ang ganda talaga ng mga mata ni Hanver. Hindi ko napigilang tingnan siya sa mga mata. Parang nagspasparkle kasi yung mga mata ni Hanver. Hindi ko napansin na lumapit na pala yung mukha ni Hanver sa mukha ko.
Ang ganda talaga ng mga mata ni Hanver...
"Tasha...Naega halsu-issneunmankeum jasin-eul dasi gaechoe hagi wihae nolyeoghagoiss-eo ..." Sabi ni Hanver. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Napabend sa gilid ang ulo ko pero hindi pa rin naaalis ang titig ko sa mga mata ni Hanver. (I'm trying to hold myself back as much as I can).
"It's getting harder to do that. You know why Tasha?" Tanong sa akin ni Hanver habang nakatitig pa rin sa akin. Umiling-iling ako at bigla siyang tumawa bago siya tumayo. Mas lalong akong naguluhan kay Hanver.
"Why??" Hindi ko na napigilang magtanong. Hindi ko rin kasi siya naintindihan.
Nahihirapan na si Hanver?
"My mind is rapidly filled with your smile, your face, and your voice... My thoughts are always centered on you. I think, it won't be long until you will be the thief who will steal my heart." Sabi ni Hanver at naglakad na siya paalis.
Ano raw??? Ako?
"Ba't naman sinabi yun ni Hanver? May magic siguro ako kaya ako ang naiisip ni Hanver... Waahhhh... Ang puso niya? Hindi! Hindi ko nanakawin ang puso niya... Hindi ako murderer..." Sabi ko habang umiiling-iling.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
JugendliteraturAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...