TKHND 38: I like him

8.2K 151 42
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop

___________________________

"Carl! Wait for me..." Sigaw ni Nicole nang biglang tumakbo papalayo si kuya Carl. Hindi ko mapigilang tumawa at nakita ko si Nicole na sinundan si kuya Carl. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si R na masayang nakikipagkwentuhan kay Wayde.

"Umm... L?" Napatingin si korean boy sa akin at napatingin ako sa baba. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin at parang nakalimutan yata ni korean boy na bitawan ang kamay ko. Tiningnan ko ulit si korean boy at nagsmirk siya.

Huh?? Hindi niya ba bibitawan yung kamay ko?

"L... Let go of my hand..." Sabi ko habang tumigil ako sa paglakad at  lumingon si korean boy sa akin. Kapag hawak kasi ni korean boy ang kamay ko nararamdaman ko na naman yung something sa tiyan ko. 

"I'm sorry but I can't do that... You might get lost, you know?" Biglang nagsmirk si korean boy at tiningnan ko siya ng masama. Hinila ko ang kamay ko pero mas hinigpitan pa ni korean boy ang pagkakahawak rito. 

Nagulat ako at parang bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang inilapit ni korean boy ang mukha niya sa akin. Natulala ako at pinagmasdan ang mukha ni korean boy. Mas lumapit pa si korean boy  at napapikit ang mga mata ko. 

Ano ba tong nararamdaman ko... Ano bang gagawin ni korean boy??

"I'm never letting you go... I'm going to hold your hand as long as I want to and you can't do anything about it..." Bulong ni korean boy at minulat ko na ang mga mata ko. Nakita kong nakatayo sa harap ko si korean boy at nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso ko.  Tiningnan ko si korean boy ng masama at naglakad na kami papunta sa parking area ng school habang magkahawak ang mga kamay namin.

Nakarating na kami sa parking area at sumakay na sa kotse si R kasama si Wayde. Napansin kong hindi nabubura ang ngiti sa mukha ni R. Nakita ko namang sumakay sa bike niya si kuya Carl at naiwan si Nicole na nakasimangot. Sumakay si Nicole sakotse nila R at nauna na silang umalis. 

"Get in..." Sabi ni korean boy pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng sasakyan niya. Sumakay na ako sa passenger's seat. Sumakay na rin sa driver's seat si korean boy at pinaandar ang kotse. 

"Your seatbelt..." Sabi ni korean boy.

"Hmmm??" Napatingin ako sa direksyon ni korean boy at ang mukha ni korean boy ang nakita ko. Nakatingin siya sa seatbelt habang sinusuot ito sa akin. Ngayon ko lang naisip na kahit suplado at arrogant si korean boy, gentleman rin naman pala siya. 

And, Can you smile? (smile)

Niga wonhajanha

Niga barajanha

Nae mam maneuroneun

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon