TKHND 20: Crazy

10.8K 162 32
                                    

Hello po!~ Nakaabot na po ang TKHND ng 20 chapters... Yehey!~Thank you for reading po!~ Hi there at thank you rin sa mga silent/mobile readers!~ I know you're there po! >_< ^_^ KAMSAHAMNIDA!~ 

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2012 by michyeokpop


____________________________


“You’re lying! You’re just lying!!! It can’t be!” nagsimulang sumigaw si Yui at inaawat na siya ni Rainie at Sunny. Nakatayo lang ako sa tabi ni R at nakatitig lang ako kay Korean boy at Nicole. Nakasmile si Nicole habang nakakapit na naman sa braso ni Korean boy at nakatingin lang sa ibang direksyon si Korean boy.


“What?! Are you joking L? You and this girl?” nakaturo na ang daliri ni R kay Nicole nang tinanong niya si Korean boy.


Waahh… May girlfriend na pala si Korean boy…


“No!!!”


“Hindi to pwede!!!”

Nagsisigawan na ang mga members ng fanclub ni Korean boy. May iba na parang iiyak na at may parang hihimatayin na.


“What is happening here? Classes are about to start! Go back to your classrooms now!” biglang dumating ang isang teacher at pinabalik na kami sa aming mga classrooms. Wala kaming nagawa kundi bumalik na lang. Hanggang ngayon nagsasalpukan pa rin ang kilay ni R.


“R… huminahon ka na.. ba’t hindi ka makapaniwala na si Nicole at L talaga?” tinanong ko si R habang nakaupo kami sa aming mga seats at bigla niya na lang akong tiningnan ng masama.


“Arrgh! Jul naman eh! Masyado ka namang clueless… Tama nga naman si L… parang bata ka pa talaga.. masyadong innocent at clueless… wala ka bang nararamdaman diyan sa dibdib mo? Kahit konting sakit lang?” medyo hininaan lang ni R ang boses niya para hindi kami mapagalitan ni sir na naglelesson na ngayon.


“Huh?? Hindi nga ako bata at clueless… Ba’t naman sasakit ang dibdib ko? May sakit ba ako na alam mo? Waah.. R… meron ba?” medyo nakakaramdam na ako ng kaba at baka meron nga akong sakit…


May heart problems ba ako?


“Arrghh! You’re a hopeless child talaga Jul… mamaya na lang.. baka mapagalitan tayo ni sir.” Binaling na ni R ang atensyon niya kay sir at nakinig narin ako.

Nagpatuloy lang ang klase at nasa isip ko pa rin yung sinabi ni R.


May mararamdaman ako sa dibdib ko..?

Napatingin ako kay Nicole na nakatulala na parang nakatingin malapit sa akin. Maganda naman talaga siya kaya hindi nakapagtataka na magiging girlfriend siya ni Korean boy. Sinundan ko ang tingin ni Nicole at dumapo ang mga mata ko kay Korean boy na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin lang ito ng diretso at may mga earphones sa tenga.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon