The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 9
____________________________
“Jul, I missed you so much.” Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay agad agad akong niyakap ni R. Napatawa ako at ibinalik ang yakap niya. Dalawang araw pa lang naman kaming hindi nagkikita.
“Dali upo na tayo.” Hinila ako ni R papunta sa upuan naming magkatabi. Nang makaupo na kami ay napahawak ako sa dibdib ko sa malakas na tunog.
“KYAAHH!” Bigla-bigla na lang nagtilian ang mga kaklase kong babae. Nagkatinginan kami ni R at sabay na nagkibit balikat. Narinig naming sumigaw ang isang kaklase namin.
“Parating na raw si L!”
“Parating na raw si Korean Boy, Jul.” Panunukso ni R at itinaas-baba niya pa ang kilay niya. Sumimangot ako at tumingin sa ibang direksyon. Hindi naman siya artista? Ba’t ang dami niya namang fans kaagad?
Nagsipasok at nagsiupuan ang mga kalase namin. Maya-maya lang ay sumunod ang mga tingin nila sa lalakeng pumasok. Inilapag niya ang bag niya sa sahig at umupo sa seat niya na nasa kabilang tabi ko. Tinignan niya ako at umiwas ako ng tingin.
“Uy Jul, tinitignan ka ni L. Ba’t ayaw mo siyang harapin?” Tanong ni R na nakaupo sa kaliwang bahagi. Napanguso ako habang sumulyap ng madali sa direksyon ni Korean Boy.
“Long story.” Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tama. Long story tungkol sa Jjampong na kinain niya. Maya-maya lang ay dumating na ang guro namin at nakinig na kami sa kanya. Nagsipasok at labas lang ang mga guro namin hanggang sa natapos na ang pang-umagang pasok namin.
“Okay, class dismissed.” Pagkasabi ng guro namin ay nag-unahan na ang mga kaklase ko sa cafeteria.
Inayos ko na ang mga gamit ko at napatingin kay R nang magsalita siya.
“Sabay na tayong maglunch Jul.” Tumango ako bilang sagot at sabay na kaming naglakad palabas ng classroom ni R. Nang nasa hallway na kami ay bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Jul, anong long story ba 'yun?” Hindi mapakaling tanong ni R.
“Gutom na ako R. Pwedeng mamaya nalang kapag nakakain na tayo?” Sabi ko at nang tumango si R ay ngumiti ako sa galak. Yes. Makakakain na rin ako ng lunch. Naglakad na kami patungo sa cafeteria at pumila para bumili ng makakain. Nang makabili na kami ay naghanap na kami ng table. Marami ring nang-iimbita sa aming makiupo sa kanila pero naisipan naming sa bakanteng mesa sa gilid kami uupo.
“Kain na tayo.” Sabi ko nang makaupo na kami sa upuan. Agad-agad kong kinuha ang kutsara at tinidor. Sumubo ako at napangiti ako. Ang sarap talaga ng pagkain nila. Habang kumakain kami ng lunch ay may umupo sa harap namin ni R. Napaangat ang ulo ko at nagtama ang tingin namin ni Korean Boy.
“Hi there L!” Bati ni R sakanya. Tumango lang siya at kinagatan ang sandwich na dala niya. Napasimangot ako habang naaalala ang nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...