TKHND 8: Jjampong

12.5K 219 8
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 8

 

____________________________

“Whatever you do, don’t get out of your room, okay?”

“Why?”

“Just because; Just do what I say.” Pamimilit ko kay Korean Boy. Tinitigan niya lang ako na parang hindi interesado. 

“And if I don’t want to?” Sagot niya. Dahan-dahang uminit ang ulo ko at napabuntong hininga. Ang tigas naman ng ulo ni Korean Boy. Panandalian lang naman.

“Please, just for tonight. Okay?” Pagmamakaawa ko. Alam kong magkakaroon ng gulo kapag nakita siya nina Kuya Ken, Kuya Carl at Ate Des na kasama ko dito sa loob ng bahay. Nabigla ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. 

“Tell me why first.” Sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Wala man lang itong kaemo-emosyon. Napaatras ako at magsasalita na sana nang marinig kong tumunog ang doorbell. Napalunok ako sa sobrang kaba. No way. Nandito na sila.

“Urgh. Just go in you room.” Itinulak ko siya at hinila papasok sa kwarto niya. Pero hindi ko parin siya nagagalaw sa pwesto niya. 

“Why?” Tanong niya habang itinutulak ko siya papasok sa ikwarto niya. Ginamit ko na ang pinakalamalakas kong pwersa pero hindi parin ito gumana. Napasimangot ako. Sinubukan ko namang hilahin siya mula sa loob. Ba't ba kasi ang lakas niya?

“Jul!” Narinig kong sigaw ni Kuya Carl mula sa labas. Paulit-ulit na tumunog ang doorbell. 

“Urgh! Just don’t stay in the living room and the library. Okay?” Medyo galit kong sabi sa kanya. Hindi ko na siya hinintay  na makasagot at dali dali kong pinuntahan sina Kuya sa labas. Pagkarating ko doon ay nakatayo silang tatlo na parang nag-aalala. 

“Ba’t ang tagal mo Jul?” Tanong ni Ate Des. Napakamot na lang ako ng ulo ko at tumawa. May Korean boy kasi na matigas ang ulo na nasa loob. Hindi ko na sila hinayaan pang magtanong pa at pinapasok na sila sa loob ng bahay.

“Umm. Jul, are we playing a game that I don't know about?” Nagulat ako dahil sa sinabi ni Kuya Ken.

“Huh?” Nagtataka kong tanong. Napahinto ako sa paggalawa at ngayon ko lang napansin na nakadikit na pala ako sa pader na parang may hinihintay na kalaban. Mabuti na 'to at baka nandyan si Korean Boy. Napatawa ako at huminga ng malalim. Sana wala siya.

“Sandali lang Kuya at Ate,  may titignan lang ako sandali.” Inilahad ko ang kamay ko na parang nagpapahinto at inilabas ang ulo ko mula sa pader. Inikot ko ang paningin ko at napahinga nang makita kong wala siya. Yes. Wala siya.

“Sige pasok na kayo.” Naglakad na kami papunta sa library at kailangan ko munang tignan at baka nasa loob si Korean Boy. Nang makita kong wala siya ay tumuloy na kami papasok sa library. Tinulungan ko na rin si Kuya Carl na hanapin ang kailangan niyang libro.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon