TKHND 35: A date?

8.5K 104 10
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop

___________________________

Tasha's P.O.V (Continuation from the previous chapter)

Hinila ko papasok ng isang restaurant si Hanver. Medyo maaga pa kaya wala pa masyadong tao dito sa restaurant. Naghanap ako ng magandang pwesto at pumunta ako sa table na malapit sa windows. Tumingin ako kay Hanver at nginitian siya.

“I’m hungry and we haven’t eaten breakfast yet.” Sabi ko habang umupo sa isang seat. Umupo sa harap ko si Hanver at maya-maya lang ay may lumapit na waiter sa amin. Ibinigay ng waiter sa amin ang menu at naghanap na ako ng oorderin ko.

Hmm… Ano bang masarap??

“I’ll have this and this.” Napatingin ako kay Hanver habang tinuturo niya sa menu ang pinili niya. Agad naman itong isinulat ng waiter at humarap na ang waiter sa akin.

Umm… Hindi ko alam ang oorderin ko….

“Umm… Pareho na lang po sa kanya ang oorderin ko.” Tumango ang waiter at nagsabi na mga 10 minutes pa raw bago maiserve ang orders namin. Napatingin ako kay Hanver at nakangiti siya habang nakatingin sa baba.

“Umm… Why are you smiling?” Nagtatakang tanong  ko kay Hanver. Tumingin si Hanver sa akin.

“Nothing…” Ikinaway ni Hanver ang kamay niya habang nakangiti parin.

Waahh! Ang cute ng ngiti niya…

“So… How long has L been living with you?” Tanong ni Hanver habang ipinatong niya ang dalawang braso niya sa table. Nakapatong ang mukha ni Hanver sa kamay niya.

“Umm…2 months or more… How long have you known L?” Tanong ko kay Hanver habang nakatingin sa mukha niya. Nakakahypnotize ang mga mata ni Hanver.

“I’ve known him since we were 12… He was so tardy and got detention a lot!” Sabi ni Hanver. Napatawa kami ni Hanver. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko kay Hanver at mukhang mabait naman siya. Nagkwentuhan kami ni Hanver hanggang sa naiserve na ang orders namin.

Kinain ko na ang inorder ko at ang sarap. Narinig kong tumawa si Hanver kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa labas at sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Nakita kong may isang babae na may dalang camera ang kumukuha ng pictures sa direksyon namin.

“Wow… I think she’s taking pictures of you…” Napaharap sa akin si Hanver at nagsmirk siya. Naguluhan ako pero ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

Hmmm… Ang sarap talaga ng specialty nila…

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon