TKHND 26: New obsession

10.3K 139 22
                                    

 The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop


____________________________


Natigilan ako sa pwesto ko at lumipat ang tingin ko mula kay Nicole papunta sa daliri niya hanggang sa nakaabot sa tinuturo niya. Nagulat ako at hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko.


Huh?? Bakit siya? He’s going to be Nicole’s?

Tumingin ako sa mga mata ni Korean boy at nakikita ko na parang pareho kami ng nararamdaman.


“I want you…” Lumapit si Nicole sa kanya at niyakap siya ni Nicole. Pero bago pa man mangyari yun ay umiwas na siya at pumunta sa tabi ko.


“You’re out of your mind!” Sinigawan ni kuya Carl si Nicole. Mas lumapit si Nicole at pilit na niyayakap si kuya Carl. Hindi parin ako makagalaw sa pwesto ko. Ba’t si kuya Carl ang gusto niya?


She’s in a relationship with L… Why would she pick kuya Carl?

Hindi pa nagpoprocess sa utak ko ang mga nangyayari. Nabigla nalang ako nang magtago sa likod ko si kuya Carl.


“Jul! Ilayo mo sa akin ang crazy girl na yan!” Kumapit si kuya Carl sa akin at ginamit ako na parang shield. Agad-agad na lumapit si Nicole sa amin at tiningnan niya ako ng masama.


“He’s mine! Get away from him!” Hinihila ako ni Nicole at ganun din si kuya Carl. Parang ginagawa nila akong premyo na pinag-aagawan.


“Yah! She’s not a toy to play with! Stop that!” Napatigil sa paghihila si kuya Carl at Nicole sa akin at ginawa yung chance ni Korean boy para ilayo ako sa kanilang dalawa.


“Thank you L…” Pinasalamatan ko si L at tumango lang siya.


“Get away from me!!!” Pilit na hinihiwalay ni kuya Carl ang pagkakayakap ni Nicole sa kanya. Nakangiti ng sobrang lapad si Nicole habang nakakapit na parang glue kay kuya Carl.


“Wait… Isn’t L your boyfriend?” Nagtaka ako dahil parang mas gusto ni Nicole si kuya Carl kesa sa sariling boyfriend niya na si L.


“No… my boyfriend is this perfect guy right here…” Hinigpitan ni Nicole ang yakap niya kay kuya Carl. Pilit pa ring kinukuha ni kuya Carl ang mga nakakapit na kamay ni Nicole sa kanya.


Huh?? Ano??


“Jul! Huwag kang maniwala sa loka-lokang babaeng to.. Hindi ko nga to kilala eh!” Nakuha na ni kuya Carl ang pagkakakapit ni Nicole sa kanya at pumunta sa tabi ko. Naguguluhan parin ako hanggang ngayon.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon