The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 51
__________________________
(Pwede niyo pong pakinggan ang music sa multimedia habang nagbabasa)
Hinawakan ko ang sleeves ng damit ni Korean boy. Nakakatakot, ang dami ng mga lalaking nakablack na suit. Lumapit yung nagsalita kanina at tiningnan si Korean Boy.
"Daetonglyeong an budam eobs-i, geuege dangsin eul gajigo ulileul jisihaessda." Sabi nang lalaking nakablack na suit. (President Ahn instructed us to bring you to him, willingly or not.)
"Aish! Tss..." Sabi ni Korean Boy. Sa sobrang bilis ng galaw ni Korean Boy ay nagulat ako nang mkitang sinuntok niya na ang lalaking nakablack suit. Napatakip ako ng bunganga. Napatingin ako kay Korean boy at nakita kong galit siya.
Hinawakan ng lalaking nakablack suit ang panga niya at inisnap ang daliri niya. Nagsilapitan ang ibang naka suit. Nabigla ako nang makita si Wayde na sinusuntok ang mga nalalapitan at lumalapit kay Korean Boy.
"Stop this! We are in school grounds and violence is strictly prohibited! Urgh!" Sigaw ng principal ng XIA. Binalewala lang siya nina Korean Boy at Wayde. Nakita ko si Hanver na kinukurot ang itaas na banda ng kanyang ilong. Yung sa gitna ng mga mata niya.
"Get out of here Tasha... You might not want to see this..." Napatingin si Hanver sa akin at dahan-dahan akong tumango. Tiningnan ko muna si Korean Boy at nakikita kong pinapalibutan na siya ng mga nakasuit na mga lalaki.
Anong gagawin nila kay Korean Boy?!
Hindi ko na napansin na napatakbo na ako sa kinatatayuan nina Korean boy at nang mga lalaking nakasuit. Hinila ko ang damit ng unang lalaking nalapitan ko. Napalingon siya at tinulak ako. Napaupo ako sa damuhan. Dali-dali akong tumayo at hinila ulit ang damit niya.
"Leave him alone!" Sigaw ko habang hinihila ang damit nang lalaking tumulak sa akin kanina. Napalingon siya ulit at hindi ko inasahan ang susunod na ginawa niya. Napaupo ako ulit sa damuhan at hinawakan ko ang pisngi ko. Nararamdaman ko pa rin ang hapdi ng sampal niya. Tiningnan ko siya ng masama at bigla niya akong hinawakan sa kwelyo.
Waahhh... Tulong... Ba't ba kasi ang hina ko?
Itinaas na ng lalaki ang kamao niya at akmang susuntukin ako. Napabitaw siya sa akin nang may sumipa sa kanya mula sa likod. Nakita ko si Korean Boy na ang sama ng tingin sa kanya.
"Dangsin-eun nae yeoja leul manjiji masibsio hageona idonghal su eobs-seubnida ttaekkaji dangsin-ui ppyeo leul pagoe habnida." Madiing sabi ni Korean Boy bago niya sinuntok ulit ang lalaki. (Don't you ever touch my girl or I'll break your bones until you can't move.) Napalunok ang lalaki at nagsmirk si Korean Boy. Napatingin si Korean Boy sa akin at agad kong tinakpan ang namumula kong pisngi.
"I'm sorry... I wasn't able to protect you..." Niyakap ako ni Korean Boy at nanatili lang akong nakaupo sa damuhan. Humiwalay na si Korean Boy at hinawakan ang kamay kong nakatabon sa kaliwang pisngi ko. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko at galit ang nakita kong lumitaw sa mga mata niya. Tumayo si Korean Boy at patuloy na sinipa ang lalaking sumampal sa akin.
"He's unconscious already L... If you're finished over there, we need back-up here..." Narinig kong sabi ni Wayde habang may sinisipang nakasuit na lalaki. Sinipa ng isa pang beses ni Korean Boy ang lalaki bago siya nakipaglaban kasama sina Wayde at Hanver.
"Are you okay? Your face is red..." Tinulungan akong tumayo ng principal namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga paparating na mga lalking nakablack suit. Ang dami nila at nakikita kong pagod na rin sila Korean Boy, Wayde at Hanver. Agad akong napatakbo kay Korean Boy at niyakap siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...