TKHND 61: *Thump*

3K 63 11
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 61

____________________________ 

"Who's going to the States?"

"Ah-uhm-uhm." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Siguro ito na ang tamang oras para sabihin sa kanya ang totoo. Nilapitan ko siya habang nakayuko. Dahan-dahang inangat ko ang aking mukha at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. 

"You know how some people go to other countries right? I might just be there for a few days for a vacation. Well, actually not; I mean-" Medyo mabilis kong sabi. Napatigil ako sa pagsasalita nang ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Tasha, don't beat around the bush. Tell me." Sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Napahinga ako ng malalim.

"I'm going to the States this Sunday. I'm going to pursue my studies there and I don't know when I'll be back here again." Diretso kong sagot. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Bigla niyang ibinalik ang mga kamay niya sa kanyang gilid at tumalikod.

"Hanver, please don't tell L." Pahabol ko. Lumingon si Hanver at walang emosyon ang kanyang mukha. 

"No, he needs to know this." Sagot ni Hanver. Nilapitan ko si Hanver at hinawakan ang braso niya. 

"Please. I'll tell him, but not now." Pagmamakaawa ko kay Hanver. Napabuntong hininga si Hanver at tumango ng kaunti. Ibinaba ko na ang kamay ko at hinayaan na si Hanver na umalis. Nanatili lang akong nakatingin sa likod ni Hanver hanggang sa lumiit ng lumiit at nawala na ang pigura niya. 

"I'm sorry Jul, 'di ko alam na nandito rin pala si Hanver. Baka pinapunta rin siya ni George. I'm very sorry." Sabi ni R. Nginitian ko si R at niloop ang mga braso namin.

"Okay lang R. Wala ka namang kasalanan." Sabi ko habang palabas na kami ng dressing room ni R. Sumabay na rin ako kina R pauwi. Nang makarating na kami sa bahay ay nagpaalam na ako kay R at dumiretso sa kwarto ko. 

Ipinatong ko ang bag ko sa study table at nahiga sa kama. Tiningnan ko lang ang ceiling habang iniisip kung sasabihin ko na ba kay Korean Boy ang tungkol sa pag-alis ko. 

*thump*

Umiba ako ng posisyon at humarap sa dingding. Nakita ko ang stuffed toy na deer at pinaglaruan ito. 

Sasabihin ko na ba kay Korean Boy?

*thump* 

Binalewala ko lang ang tunog at nagpatuloy sa pag-iisip. Kailan nga ba ang tamang panahon para sabihin kay Korean Boy?

*thump* *thump* *thump*

Lumakas ang tunog kaya napaupo ako at napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Nakita ko si Korean Boy na may hawak na libro. Napatayo ako at naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko. Binuksan ko ang bintana.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon