The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 4
____________________________
“Okay, class dissmissed.” Pagkasabing pagkasabi ni sir ng dismissed ay nag-unahan nang lumabas ng classroom ang mga classmates ko. Iniwasan kong tumingin sa katabi ko na nagngangalang L, also known as Korean Boy. Napatingin ako kay R. Nagiistretch siya ng mga kamay niya at inayos niya ang mga gamit niya.
“Finally. Malapit na akong makatulog dun." Sabi ni R at napatingin sa akin.
“Aigoo, I think I’ll fail math.” Sabi ko at sinubsob ko ang mukha ko sa desk. Mula noon hindi na talaga ako magaling sa math.
“It’s okay, atleast sabay tayong babagsak.” Sabi ni R at ngumisi sa akin. Tiningnan ko siya ng masama at mas sinubsob ang mukha ko sa desk. Ngayon ko lang napansin na bagong pinta pala ang mga desk namin. Kapag bumagsak ako sa math siguradong hindi ko na makikita at maririnig ang nagagwapuhan at naggagalingan K-idols.
“Joke lang naman, don’t worry sisiguraduhin kong makakapasa tayong dalawa. Sama-sama tayong papasa sa math.” Parang medyo nakasmirk na pagkakasabi ni R. Napaupo ako ng maayos at napatingin sa kanya.
“Sa anong paraan?” Nagtataka kong tanong.
“Lipat tayo ng upuan.” Nakasmirk na sabi niya. Mas nagtaka ako at paano naman kami papasa kung lilipat kami ng upuan? Parang nabasa ni R ang isip ko at bigla siya nagsalita.
“Tumabi tayo sa magaling sa math at siguradong pasa na tayo!” Nakangiting niyang sabi. Napabuntong hininga ulit ako at isnubsob angmukha ko sa desk. Masama kayang magcheat.
“Joke lang naman.” Pahabol ni R. Di tumagal ay narinig ko ang tunog na naggaling sa isang phone.
“Jul, sagutin ko lang muna to ha?”Paalam ni R at tinuro niya ang phonenanasakamay niya. Tumango ako at hinayaan na siyang sagutin ang tawag. Paano ba ako papasa? Ang math ko- ang Kpop- sila Papa at Mommy- Mag-isa lang ako sa bahay- Sandali lang. Bahay? Bigla akong napasigaw nang matandaan kong may kasama pala ako sa bahay.
“L!” Tinakpan ko ang bibig ko pagkatapos kong isigaw ang pangalan ni Korean Boy.
“Anong nangyari kay L?!” Narinig ko ang mga boses ng mga babae. Biglang sumulpot at nagsigawan ang mga babaeng classmates at schoolmates ko. Nag-isip ako ng pwedeng pantakip sa nagawa ko.
“Uhmm, wala. Minememorize ko lang ang alphabet. L, M, N-” Sabi ko at nakahinga ako nang hindi na sila nagtanong pa ulit. Iba-ibang reaksyon ang nakita at narinig ko. Ang iba ay ngumiti at nag okay. Ang iba ay tumawa. Halos lahat sila ay naniwala sa akin maliban lang sa tatlong babae.
“Baka gusto niyang makuha ang atensyon ni L?”
“Kawawa naman desperado na yata.”
Pagkatapos nilang sabihin 'yon ay sabay sabay na tumawa ang tatlo at tinignan ako ng masama bago umalis. Ano bang nakikita nila kay Korean Boy? Kapag nakilala lang sana nila siya.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...