The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 58
____________________________
Huminga ako ng malalim habang nakapikit ang mga mata ko. Hindi ko napigilan ang ngiti sa mukha ko. Iminulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ang rason kung bakit ako nagkakaganito. Hinawakan ko ang screen at huminga ng malalim ulit. Pinindot ko na ang play button at nag-umpisa na ang video.
"Waahhhh! Ang gwapo mo Kai! Luhan! Tao! Sehun! D.O~ Kyungsoo! Lay ba't mas lalo kang gumwapo? Cheen! Kr-Kris! Chanyeol oxygen! Baekhyun! Uwaaah, ChanBaek moment yun! Xiumin naman! Suho huwag baka masugatan ka!" Sigaw ko habang nagfafangirl sa harap ng computer screen. Hindi ko mapigilan ang pagtili at pagsigaw ko nang mag-umpisa na ang music video na Overdose ng EXO.
"Tsk. You're attracted to those kinds of faces? I am so much more attractive." Narinig kong sabi ni Korean Boy mula sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at pinanood lang ang video. Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang video. Nakatulala ako sa harap ng screen habang may malaking ngiti sa mukha ko.
"Are you even listening to me? Tasha?" Hindi ko parin pinansin si Korean Boy at pinress ulit ang play button. Alam kong dapat si Korean Boy at binibigyan ko ng pansin pero nasa harapan ko na ang mga Kpop idols ko. Nakapatong ang mukha ko sa kamay ko habang nakatingin sa screen. Bigla akong nagulat nang biglang umitim na ang screen. Sinundan ko nang tingin ang kamay na nagturn off ng screen at nakita ko si Korean Boy na nakatingin ng masama sa screen.
"Why did you turn it off? I was watching." Galit kong sabi kay Korean Boy pero nawala naman kaagad ang galit ko nung nakita kong nakatingin sa akin si Korean Boy. Hindi ko alam kung anong meron sa mga tingin niya pero nawala kaagad ang galit ko.
"If you really love them that much, enough to ignore your boyfriend then they should have been your boyfriend instead of me." Agad na umalis si Korean Boy at nanatili akong nakaupo habang nakatingin sa likod ni Korean Boy na naglalakad palayo hanggang sa hindi ko na siya makita.
"Wh-what just happened?" Tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa desk at minessage si R.
To: R chingu
R, galit sa akin si Korean Boy. 'Di ko alam kung bakit...
Cinlick ko na ang send at hinintay ang reply ni R. Inisip ko kung anong nagawa ko pero wala talagang light bulb na umandar. Umiling-iling ako at nakita kong nagreply na si R.
From: R chinguBaka naman 'di mo pinapansin. Tinanong ko si Wayde at 'yan ang sabi niya. Mukhang LQ na iyan ahh... Sige TYL Jul, nagdedate pa kasi kami ni soulmate ko.
Umiling-iling ako habang tumatawa. Hindi na talaga mapaghiwalay ang dalawang iyon. Mag-iisang linggo na simula nung naging sila na. Masaya ako na masaya na rin ang mga best friends ko. Tumayo na ako lumabas ng Kpop room ko. Naisip kong puntahan si Korean Boy pero di ko naman alam ang sasabihin ko kaya pumunta muna ako sa small library namin.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
JugendliteraturAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...