The Korean Heartthrob Next Door
Copyright © 2013 by michyeokpop
____________________________
Nakaupo ako ngayon sa seat ko habang nakikinig sa teacher na nagtuturo sa harap. Napatingin ako sa seat ni Korean boy at nakatingin rin siya sa akin. Ang seryoso ng tingin ni Korean boy sa akin at mukhang may iniisip siya.
“Okay, class dismissed.” Nagpaalam na ang teacher at inayos ko na ang mga gamit ko para sa next class.
“Jul! Turuan mo naman ako sa music class… Nahihirapan ako…” Inakbayan ako ni R at nginitian ko siya. Nakita kong lumapit si Nicole at inakbayan niya rin si R.
“Don’t worry friend of my sister-in-law. I’ll help you if you want me to.”Ngumiti at tumango si R kay Nicole at bigla silang napatingin sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Korean boy na nakatitig sa akin.
Ano bang problema ni Korean boy???
Hindi ko napansin na umalis na sina R at Nicole papunta sa next class kaya kami na lang ni Korean boy ang naiwan sa classroom.
“Ummm… L? Are you okay?” Nilapitan ko si Korean boy at nakatingin pa rin siya sa akin. Nagtaka ako kaya napabend na naman sa gilid ang ulo ko. Nakita kong nagsmile si Korean boy at nginitian ko rin siya. Hinawakan ni Korean boy ang pisngi ko at naramdaman ko na naman yung something sa tiyan ko.
Ba’t ba ako nagugutom kapag kasama ko si Korean boy?
“I’m going to say this once so don’t make me repeat this. Tasha, please take care of my heart.” Seryosong sabi ni Korean boy habang nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa pisngi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalo akong naguluhan.
“Huh? Are you dying? Waahhh! Do you have some kind of disease?” Medyo nagpanic ako at nag-aalala na talaga ako kay Korean boy.
Mamamatay na ba si Korean boy!?
“No… But I might, if you’re going to break it. My heart belongs to you right now so take care of it.” Seryosong sabi ni Korean boy at kinuha niya na ang kamay niya sa pisngi ko. Parang hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. Nagsimula ng maglakad palabas si Korean boy ng classroom.
Ito na ba yun? May pinapagawa sa akin si Korean boy na napakaimportante…. Na kapag hindi ko naalagaan ay baka masira yung sinasabi niyang heart niya… I think I understand now…
“Wait…” Pinigilan ko si Korean boy. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...