TKHND 1: Meeting L

34.3K 482 100
                                    

(Ang TKHND ay under revision po kaya baka magtaka kayo kapag medyo may umiba habang nagbabasa kayo. Pasensya po talaga at tatapusin ko ang pag-eedit as soon as possible po.)

The Korean Heartthrob Next Door 

Chapter 1

 

____________________________

Careless,careless

Shoot anonymous,anonymous

Heartless,mindless no one who care about me

"No one who care about me." Sinabayan ko ang alarm tone ko. Pagkatapos kong humikab ay sumabay ako sa alarm tone kong kanta ng EXO. Bumangon ako at bigla kong natandaan kung bakit nagising ako ng maaga.

First day of school. Ang kinatatakutang araw ng mga ayaw sa mga istriktong mga guro at patong-patong na assignments. Ang reunion ng mga magkakaibigan na hindi nagkita nung summer. Ang pinakahihintay na araw ng mga mahilig mag-aral. Ang unang araw ng eskwela.

Napailing ako at dumiretso na sa banyo upang makaligo. Papasok na sana ako sa loobng banyo nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Anak bumaba ka nga muna rito. May ipapakilala ako sa’yo." Sabi ni Mommy. Nagtaka ako dahil masyado pang maaga para may dumating na bisita.

"Pwede mamaya na lang po Mommy? Hindi pa po ako nakaligo."

"Huwag nang maging maarte anak, sandali lang naman." Napabuntong hininga ako. Baka isa na naman ito sa mga businessman o businesswoman na katrabaho ni Mommy.

"Sige po."Bumaba na ako sa hagdan at inayos ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. May nakita akong isang babae na kinakausap ni mommy.

"Umm. Good morning po." Pagbati ko sa kanila.

"Oh anak, ito pala si Mrs. Ahn. Bestfriend ko at businesswoman rin." Ngumiti ako sa best friend ni Mommy na businesswoman rin. Tama ang hinala ko. Tungkol sa business na naman. Si Mommy kasi ang may ari ng isa sa pinakasuccessful na business dito sa Pilipinas.

"Ang laki mo na Jul ah. Parang kailan lang hindi mo pa naaabot ang beywang ng Mommy mo. Ngayon mukhang mas matangkad ka na nga sa kanya. Ang ganda mo pa." 

 

"Salamat po." Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Kilala pala niya ako? Tinawag niya pa akong Jul na nickname ko. Medyo pamilyar nga siya. Baka nakilala ko na siya noong bata pa ako.

"Syempre, saan pa ba siya magmamana? Kundi sa maganda niyang Mommy." Si Mommy talaga. Bigla kong natandaan na kailangan ko pa palang mag-ayos para sa unang araw ng eskwela.

"Excuse me po Mommy at tita. Malelate na po ako." Pagpapaalam ko.

"Ayy, oo nga pala sige maghanda ka na anak." Sabi ni Mommy. Ngumiti ako at bumalik na sa aking kwarto.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon