The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 10
____________________________
‘’KYAAHH!" Nang makarating kami sa eskwelahan ay nagsitilian ang female population. Napatingin ako sa grupo ng mga babaeng mga estudyante na naghihintay sa entrance ng eskwelahan.
“Good morning L!”
Sinalubong si Korean Boy ng mga fans niya. Araw-araw ay ganito na ang pangyayari. Halos dalawang linggo na rin simula nung may bumuo ng official fanclub ni Korean Boy. Noong una ay nagtaka ako pero unti-unti ay nasanay na rin ako.Napansin kong nauna nang naglakad si Korean Boy. Sinundan ko siya at sinabayan siya sa paglakad.
“You should greet them.” Sabi ko sa kanya. Nakatingin parin ako sa mga babaeng nakapalibot sa amin. Nalipat naman ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya.
“Why?” Walang emosyon niyang pagkakasabi habang nakatingin lang ng diretso. Ang sama talaga ng ugali. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatigil ako at hinila ang sleeve ng uniform niya. Napatingin siya sa akin.
“They’re your fans so you should greet them back at least.” Sabi ko. Tulyan niya na akong hinarap at inilapit ang mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.
“You know, you’re so- just nevermind.” Sabi niya at iniwan akong nakatayo sa gitna ng hallway. Nauna na siyang naglakad patungo sa classroom namin. Binilisan ko ang paglakad ko.
“I’m so what?” Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siya. Hindi niya ako sinagot at hindi niya rin ako nilingon man lang. Dumiretso na siya sa kanyang upuan. Ba't ayaw niya akong sagutin?
“Jul, good morning!” Pamungad ni R at niyakap ako. Napangiti ako at naupo na kami sa aming mga upuan. Iniwasan kong tignan ang taong nasa kanan ko at humarap sa kaliwa ko. Nagkatinginan kami ni R at lumaki ang mga ngiti namin sa labi.
“Two words: EXO and MV.” Sabi ni R at napatili ako sa upuan ko. Tuluyan ko na siyang hinarap.
“Ang gwapo nila, sobra. Tapos yung boses ni Kyungsoo at Baekhyun? Heaven." Finaflashback ko sa isip ko ang music video nila at hindi ko napigilang mapatili ulit. Sigurado akong papanuorin ko ulit 'yun mamaya sa bahay.
“They're just so perfect.” Parang kinikilig na pagkakasabi ni R. Tumango ako habang itinaas ang magkabilang thumbs ko.
“Nakakainlove talaga sila.” Sabay naming sabi. Nagkatinginan kami at napatawa dahil sa naging reaksyon namin. Pareho talaga kami ng iniisip ni R. Bigla na lang naudlot ang kasiyahan namin anng magsalita ang taong nasa kaliwa ko.
“Tss. Geuduleun chajgo joheun haji.” (They’re not that good-looking.) Sabi ni Korean Boy at napakibit balikat lang kami ni R dahil kahit isang salita ay wala kaming naintindihan. Maya-maya lang ay pumasok na ang guro namin. Nilibot niya ang mga mata niya sa amin at nang makita niya ako ay huminto siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...