The Korean Heartthrob Next Door
Chapter 6
____________________________
“Jul.” Narinig ko ang isang pamilyar na boses at naramdaman kong umakbay siya sa balikat ko. Pero hindi pa ako sigurado kung sino ang umakbay sa akin kaya lilingon na sana ako. Nabigla ako nang hinila ako ni Korean Boy papunta sa likod niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil naging harang si Korean Boy.
“Lumayo ka kay Jul, maangas na lalake.” Narinig kong sabi nang pamilyar na boses. Tumabi ako at nakita ko si Kuya Carl na nakikipagtinginan kay Korean Boy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong akmang kukuwelyuhan niya na si Korean Boy. Agad ko siyang pinigilan.
“Kuya Carl! Huwag mong gawin 'yan.” Pagpigil ko sa kanya. Napatingin si Kuya Carl sa akin at ibinaba niya na ang mga kamay niya.
“Ba’t ba kasama mo yang lalakeng 'yan? Pinilit ka ba niya?” Naiinis na pagkakasabi ni Kuya Carl. Umiling-iling ako bilang senyas na nagkakamali siya.
“Kuya, nagkataon lang na nagkita kami dio sa mall at kaklase ko rin siya.” Pagpapaliwanag ko at ipinakita ko sa kanya ang supot ng National Book Store. Nag-isip muna siya pero sa tingin ko ay hindi parin siya naniniwala.
“Nasan ba si R? Dapat kasi may kasama ka. At ba't pumayag ka namang sumama siya?” Tinuro niya si Korean Boy habang nagtatanong. Napalunok ako napaisip ng sasabihin ko.
“Eh, kasi-kasi-.” Pautal-utal kong sabi. Paano ko ba sasabihin? Na magkasama kami sa iisang bahay?Baka anong maisip ni Kuya Carl at mas lalong iinit ang ulo niya. Kahit nung mga bata palang kami ay napakaprotective na niya. Mag-isip ka Jul, mag-isip ka. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot ko.
“Anong kasi?" Tanong niya uli. Nakatingin siya sa akin na parang hinahamon akong sumagot. Napatingin ako sa gilid habang nag-iisip. Ano bang sasabihin ko?
“Ash, shikkuero." Biglang napunta kay Korean Boy ang tingin ko nang may binanggit siya. Ano daw ang sinabi niya?
“Hey, Tigilan mo nga ako sa pagKo-Koreano mo!” Sabi ni Kuya Carl. Nakita kong nag'tsk' lang si Korean Boy habang walang emosyon na nakatingin sa gilid. Napatingin siya ulit kay Kuya Carl.
“Shut up already." Mahinang sabi ni Korean Boy. Napatakip ako ngang bibig ko. Oh no. Nakita kong umiba ang tingin ni Kuya Carl at mukhang may away nang magaganap. Napatingin ako sa paligid para makahanap ng paraan upang mapatigil sila.
“Waahh! Sila Kuya Ken at Ate Des yun ah!” Turo ko sa likod ni Kuya Carl. Nalipat ang tingin niya sa akin at tinitigan ako ng 'as if' na tingin.
“Totoo, papalapit na nga si Ate Des.”
“Huwag mo nga akong lokohin Jul, pa sila ni Ken kaya imposibleng nandito siya.” Niroll niya pa ang mga mata niya habang tinutukso ako. Hindi na ako sumagot at tinuro lang ang nasa likuran niya. Hindi parin siya lumingon.
BINABASA MO ANG
The Korean Heartthrob Next Door
Teen FictionAn innocent girl meets a not so innocent boy. What will happen if the arrogant, handsome korean boy is going to live under the same roof as the innocent girl? Three things are for sure: Crazy stuff will naturally occur, Her innocence always amazes a...