TKHND 52: I'll Be Yours

7.2K 78 23
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 52

___________________________

Nakapatong ang ulo ko ngayon sa isang libro na nakalagay sa desk ko. Hindi pa dumadating yung teacher namin at si R naman absent dahil may photoshoot. Nakita ko si Nicole na ngumingiti habang may pinipindot sa phone niya.

"Okay class, Mr. L Ahn will no longer be a student of Xavier International Academy." Hindi ko napansing nakapasok na pala ang teacher namin. Inangat ko ang ulo ko at humarap sa kanya. Naramdaman ko na naman ang mga luhang gustong kumawala.

Miss na kita Korean Boy... Kailan ka ba babalik?? 

Pinigilan ko ang mga bumabadyang tumulong mga luha. Napayuko at hindi ko na napigilang umiyak. Halos isang linggo na simula nung huli kong nakita si Korean Boy. Sinusubukan kong maging masiyahin habang naghihitay sa kanya pero hindi ko pa rin kaya. Masyado na siyang importante para sa akin. Mas nag-aalala na ako dahil kahit isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya.

"May narinig akong balita girls... Ang dahilan daw kung bakit umalis si L ay dahil kay Tasha..." Mahinang sabi ng kaklase ko pero narinig ko mula sa kinauupuan ko.

"Talaga?!"

"May tinatagong bad side rin pala yang Tashang yan..."

"Hindi naman siguro totoo. Mabait kaya si Tasha..."

Narinig kong usapan ng mga kaklase ko. Nagpatuloy na tumulo ang mga luha ko at dali-dali ko itong pinunasan. Inangat ko ang ulo ko at nakita kong nakatingin silang lahat sa akin. Pati si Nicole ay nakatingin na sa akin na may nag-aalalang mukha. Nginitian ko silang lahat at dahan-dahan naman silang nagsibalikan sa mga ginagawa nila.

Dumaan ang ilang oras at natapos na rin ang mga subjects namin sa umaga. Lumabas na ako ng classroom at tumungo sa cafeteria. Habang naglalakad ako sa hallway ay nagulat ako nang biglang may tumamang bola sa likod ko.

Aray... Ang sakit...

Napahawak ako sa likod ko at napalingon. Nakita ko ang GLAM na nakatayo habang tinitingnan ako ng napakasama. Umatras ako at lumapit naman sila. Naunang lumapit si Yui sa akin.

"Ikaw ang may kasalanan ehh!! Kung di dahil sa'yo, L should have still been here and I would have been his girlfriend! Not you, a slow witted and unattractive girl!" Sigaw ni Yui at tumagos ang mga sinabi niya. Nabigla ako nang hinila ni Yui ang collar ng damit ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"It's all your fault, you slut..." Bulong ni Yui at itinulak ako sa pader ng sobrang lakas. Naramdaman kong mas lumala ang sakit ng likod ko. Lumapit si Sunny at bigla akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko habang nakayuko.

"You'll pay... And this time, no one will save you..." Sabi ni Yui at umalis na sila. Halos maniwala na ako sa mga sinabi nila. Napaupo ako sa pader at isinandal ko ang ulo ko. Napatingin ako sa ceiling habang sinusubukang pigilan ang mga luha ko. Umiling-iling ako at tumayo. Medyo nahihirapan akong maglakad pero naisipan kong huwag na lang pumunta sa cafeteria.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon