TKHND 5: Cute Bunny

15.5K 273 17
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 5

 

____________________________

I lost my mind


Noreul choeummannasseultte


No hanappego modeungoseun; 
Get in slow motion

 

“Get in slow motion.” Bumangon ako at nakisabay sa alarm tone ko. Pinakinggan ko lang ang alarm ko hanggang sa tuluyan na itong huminto. Ang ganda talaga ng boses nila, nakakainlove. Ang ganda ng gising ko dahil sabado na. Wala na namang pasok. Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng mensahe para kay R.

To: Arya 'R'

Good morning R! Free ka ba ngayon? Samahan mo naman ako sa mall. PLEASE? :)

MESSAGE SENT

Inayos ko na ang kama ko. Sana walang gagawin ngayon si R. Ayaw ko kasing pumunta sa mall na walang kasama. Isa pa, namimiss ko na ring kasama si R kahit na malapit nang bumigay ang mga paa ko tuwing nagsho-shopping siya. Napatingin ako sa wall clock ko at 7:51 AM ang nabasa ko.

Ang aga pa naman pala. Naisipan kong lumabas muna ng kwarto ko para makapaghanda ng pagkain dahil nagugutom na rin naman ako. Pagkalabas ko ay napatingin ako sa pinto na kaharap lang ng pinto ng kwarto ko. Gising na kaya siya?

Lumapit ako sa pinto ng kwarto niya at kumatok. Naghintay ako ng ilang segundo. Kumatok ako ulit pero walang sumasagot. Napagdesisyunan kong pumasok na lang. 

"Hello?" Pagbati ko kung saka-sakali man ay nasa loob pa siya. Nilibot ko ang mga mata ko at hindi ko siya nakita. Nasan na kaya ang Korean Boy na 'yun? Bumaba na ako sa hagdan at tumgo sa living room pero wala parin siya. Napangiti ako. Baka naghanap na siya ng bagong matitirhan. Lumabas ako at naglakad papunta sa garden. Pumikit ako at niramdam ang hangin. Ang ganda ng panahon ngayon.

“Hey, nice outfit.” Narinig ko ang isang malalim na boses. Napamulat ako bigla bigla at dahan dahang lumingon para makita ang taong nagsalita. Naninibago talaga ako sa kay Korean Boy. Nakasmirk siya at halatang pinipigilan niya lang ang tawa niya habang nakatingin sa damit ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakasuot pa pala ako ng bunny pyjamas ko.

"Hey, don't make fun of me." Sabi ko at tiningnan siya ng masama. Napansin kong nakayuko siya pero gumagalaw paitaas paibaba ang mga balikat niya. No way. Tumatawa si Korean Boy? Uminit ang ulo ko at nilampasan siya.

"Ang sama mo!" Pagsigaw ko nung nakapasok na ako sa bahay.

L’s P.O.V

 

I felt hunger gnaw inside of me. I went out of my room and was greeted by her door that was painted in a light shade of blue. I shook my head and descended the stairs. I made my way towards the kitchen and when I spotted the refrigerator, I immediately checked its contents. Why is this fridge not filled with food? It’s all filled withraw ingredients. What does umma expect? I’m going to cook?

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon