001 : Jeff, What The Hell?

172 37 7
                                    

Nicole

"TUMABI ka kasi dyan, harang ka sa daan." Saad ko habang hinila ang kaibigan kong si Kiana sa tabi ko. Harang harang sa daan ng marami kita namang nagmamdali yung iba eh.

Nasa school kami ngayon at naglalakad sa mahabang hallway ng aming building para bumaba at kumain sa cafeteria, actually bagot na bagot na ako dahil wala naman palang gagawin dito. Puro absent nga ang mga teachers simula pagpasok ko dito. Biruin mo yun, late na ako sa apat na subject at wala pa rin pala silang ginagawa? sayang ang pagmamadali kong pumunta dito at yung nasira kong mahimbing na tulog.

Hinampas naman ako ni Kiana sa balikat at inalog alog kaya inis ko siyang nilingon. Agad niya naman ako tinuro sa crush niyang mukha namang body builder sa laki ng katawan. No offense sa mga body builder dyan, lmao. Its just that ang liit ng ulo niya tapos ang laki ng katawan. Amp.

Hindi naman sa hindi siya gwapo.

"Aaaacck!! Si Michael!!" Kilig na sambit ni Kiana. I just rolled my eyes at her. What's with her and jocks? may type ang bruha.

Ang unang naging crush nyan ay isang basketball player. Kita naman niyang magaling mambola yun. Kaya in the end, siya rin ang nasaktan. I had to listen to her whining about bakit sobrang kapal ng mukha ng lalakeng yun while we repeatedly watched Romeo and Juliet 10 fucking times. Napuyat ako dahil buong gabi ba naman siya ngumawa nang ngumawa.

"Ki, hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan mo dyan sa abnormal na yan. He looks like he smokes weed. Not that I mind that he smokes weed." I said while crossing my arms. She literally giggles while looking at the guy and didn't answered my question.

We continue to walk down this long ass hallway at sa wakas ay narating na namin ang entrance ng canteen. Sa haba ng hallway na yun ay alam kong nabawasan ang taba ko doon kaya dahil doon kailangan ko ulit kumain dahil gutom na gutom na ako.

Lunch break namin ngayon at dahil nga lunch, maraming tao sa loob ng canteen at para silang sardinas kung magsiksikan. Napa buntong-hininga nalang ako at nakipag siksikan na rin kasama si Kiana.

Speaking of nakikipag siksikan, marami naman ang canteen dito dahil malaki rin ang school na to pero wala ni isa sa canteen ay maluwag tuwing lunch break.

Hay nako talaga public school, nakakainis ka na pero ayus lang, masarap naman yung takoyaki nila kahit di totoong takoyaki pero okay na rin.

May beef, cheese, tsaka pork edition sila ng takoyaki. Mas masarap ang cheese, promise. Lagi yun nauubos kaya kailangan mo talagang mauna kung gusto mo yun.

Nang maka rating kami sa stall ng nagtitinda ng cheap na takoyaki ay agad akong omorder.

"Ate, 50 po na cheese." Saad ko at kinuha ang 50 pesos sa aking bulsa. Sampung pieces na rin yun para sa takoyaki. Masarap naman siya. Yan lang naman ang pinaka favorite ko tsaka ang strawberry milk nila na galing lang rin naman sa sobrang daming asukal at bearbrand na strawberry flavored milk. Not gonna lie, masarap rin yung pancake nila ng puno ng butter at asukal not that I mind.

Binigay sa akin ng nagtitinda ang aking pinakamamahal na takoyaki at agad na kaming umalis pero bago yun bumili rin ako ng aking strawberry milk. Bumili naman si Kiana ng kanyang napaka raming pork siomai na prito at may kasama na ring sinangag na rice.

Hihingi ako.

"Sabi ni Clark may assignment daw sa math." Sambit ni Kiana habang dumudukot ng kanyang siomai sa plastic.

"Pakopya." Agad na sambit ko. Ayaw kong mahuli ng teacher namin na wala akong assignment. Sasabunin ako nun at ayaw kong sinasabon ako kung hindi naman rin ako babanlawan ng sagot ng mga kaklase ko.

Journey To NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon