Nicole
"AAAAHH!" Sigaw namin habang naka yakap sa isa't isa. I mean, sumigaw rin naman si Matthew eh, mahina nga lang tapos saglit. Halos mayupi yupi na ang aming sasakyan matapos nitong mahampas ng malaking zombie na kanina pa namin problema kasama ang mga minions niya, and by minions, yung mga ordinary zombies.
Eh paano ba naman kasi, pagtapos barilin ni Matthew, ilang sandali lang ay bumangon rin siya ulit at agad kaming sinugod!
"AAAAAAHHH!" Sigaw ulit namin ng paluin ulit ng malaking zombie ang harapan ng sasakyan.
"Ayaw na umandar ng makina!" Sigaw ni Tyrillian habang naka harap sa amin.
"Lalabas tayo?!" Hesterikal na tanong ni Nia.
"Mamatay nalang ako." Sabi ni Ren. Bigla namang nag crack ang bintana niya nang ihampas ng isang zombie ang ulo niya doon!
"Ayan na, ready na siya." Sabi ni Tyrillian. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ren at EM.
"Joke lang naman." Naiiyak na sabi ni Ren. Ang kotse naman ay natatabunan na nila plus yung matabang mama na pukpok nang pukpok sa kotse namin na malapit na masira at yuping yupi na!
"Wala na akong maisip." Malumanay na sabi ni Matthew at nagkibit balikat. Napa awang ang bibig naming tumingin sakanya hindi maka paniwala sa sinabi niya.
"GRAAAH!" Singhal sa amin ng mga zombie sa labas, pinakamalakas talaga yung sa mataba. I mean, no fat shaming pero yun lang talaga madedescribe ko sakanya at wala ng iba. Mataba tapos nakahawak ng palakol.
"Ah! Fuck you! Not my head, dude!" Sigaw ni Tyrillian nang halos maabot siya ng palakol ng matabang mama. Hinampas ulit ng matabang zombie ang hawak niya sa bubong ng sasakyan namin at halos mabaon na yun sa loob ng kotse malapit kay Tyrillian at Ren!
"Mamaaaa-Aaahhhhh!!!" Naiiyak na sigaw ni Ren habang ang isang kamay ay nakakapit sa handle at ang isa ay naka hawak sa ulo niya habang siya ay bahagyang naka yuko.
"A-ano ba!" Sigaw ni Tyrillian, umusod siya dahil tuluyan ng nabasag ang bintana niya, umusod siya nang umusod sa tabi ni Ren na naka kapit talaga ng husto habang sinisipa niya ang kamay ng tumatangkang umabot sakanya!
"Gago, malapit na rin masira tong bintana ko, Tyril!" Singhal ni Ren.
"Yung kutsara ko, Nicole!" Sigaw ni Tyrillian sa akin. He reaches a hand out for me, agad ko namang narealize yung sinasabi niyang kutsara. Agad kong kinuha ang kahoy na kutsara sa bag ko at inabot yun sakanya.
"Here!" Sabi ko sakanya. Dali dali niya yung kinuha at agad na pinanghahampas ang mga kamay at ulo ng zombie na naka dungaw sa bintana.
"Does anybody know how to survive this?!" Pasigaw na tanong ni Nia. Habang naka yakap kay EM, halos hindi na siya maka hinga sa sobrang kapit ni Nia. Nag pumiglas si EM sa hawak ni Nia at inayos ang sarili.
Bigla namang nabasag na ang bintana sa side nila Michael kung saan sina Nia at EM. Napa sigaw si Nia kaya napa yakap naman siya kay Kiana na sumisigaw na rin! Agad na umusod si Michael sa side namin kaya napitpit kami sa iisang side habang pinanghahampas niya ng sarili niyang kamay ang mga ulo ng zombies. Agad na hinila ni EM si Michael senyales na tumabi siya. Marahas na kinuha ni EM ang baseball bat ko sa bag ng walang sabi.
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Science-fictionThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...
