011 : The End

39 14 0
                                        

Nicole

"ASAN na pala si Kiana? Kasama niyo siya diba?" Tanong ni Nia habang nag tutupi ng mga malilinis na damit.

Lahat kami ay natigil sa tanong niya at napa buntong-hininga.

I don't want to say it out loud.

"We lost her." Sagot ni Nirvana. Gulat na tumingin si Nia sakanya tapos ay sa akin, halatang nag aalala. Umiwas nalang ako dahil hindi pa ako handang pag usapan ang kaibigan ko.

"They locked us in there." Sabi ni EM habang naka yakap sa sarili.

"They took Scout..." Malungkot na sabi niya. Inakbayan naman siya ni Elvis para kumalma.

"A-Ano ba! Sino ba kayo?! Hoy! Bitawan mo nga si Monica, ayaw niyang hinahawakan sa braso!" Sigaw ng familiar na boses.

"Hoy, kalma." Sabi ko nang makita ko si Tyrillian sa labas ng kwarto namin habang siya ay busy sa pagpupumiglas sa may mga hawak sakanya.

Nakita ko namang may kasama rin siyang dalawang mga bata.

Pinindot ko ang button na nasa gilid ng pintuan namin sa loob dahilan para bumukas yun.

Ang kaninang sabi ni EM na lock ang pintuan sakanila ay totoo. Hindi namin alam kung bakit pero agad rin silang nilipat sa amin.

Naka ngisi akong tumingin kay Tyrillian.

"Hirap maging single dad diba?" Loko kong tanong.

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Oy! Tyril! shet! Akala ko kung napano ka na! Namiss kita!" Bigla namang sigaw ni Wiguel mula sa loob ng kanilang kwarto.

Pinag hiwalay kami ng mga scientists sa iba't ibang kwarto dahil hindi naman kami mag kakasya sa iisang kwarto.

Dapat daw nga ay hiwa-hiwalay talaga kami pero dahil magkasama naman kami nang matagal na panahon ay pinag sama nalang lahat kung maari.

Agad naman na bumukas ang pintuan nila Wiguel at pinapasok doon si Tyrillian.

Madungis pa rin siya kesa sa amin na malinis na. Pinalinis na kami matapos naming mag reunion kanina.

"Akala ko rin kung napano na kayo. Hinanap ko pa kayo ng konti tapos sumuko na rin ako." Sabi ni Tyrillian habang umiwas kay Ren at Wiguel na nag tangkang yakapin siya.

Inalalayan niya papasok ang dalawa niyang kasama na mga bata. Tumingin ako sakanya nang makita kong marami siyang sugat sa braso at sa gilid ng kanyang noo.

"Pagka tapos mong maligo, lumabas ka agad dito sakin para magamot natin yang mga sugat mo." Sabi ko sakanya. Tumingin naman siya sa akin ng matagal bago tumango.

Inakbayan naman siya ni Wiguel at inaya papasok kasama ang mga bata.

Mas naunang maka rating si Wiguel dito dahil alam rin pala niya ang lugar na ito, matagal pa siyang mag reply sa walkie- talkie nang banggitin yun ni Nirvana.

Specifically sabi ni Nirvana, "Bumalik ka sa mall, sa baba. Ngayon na."

So ibig sabihin, andito rin sila dati? Meron na silang lahat dito bakit kailangan pa nilang mag tayo ng branch sa taas? Siguro ayaw nilang malaman na andito tong sanctuary na to?

Journey To NowhereMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon