Nicole
WHEN the sun goes down, we were talking with everyone, specially with that little kid, Minerva. Ang ate niya ay may inaasikaso na importante, hindi na namin inaalam dahil iniwan niya na kami agad.
"Ate, ano yan?" Tanong sa akin ng bata habang ako ay abala sa pag lapag ng mga gagamitin ko sa lamesa. Naka palibot rin ang mga kasama namin dito.
"Ano, pampakulay ng buhok." Sabi ko nalang. Kinuha ko ang oxidizer tapos pinag halo ito sa bleaching powder.
Nakuha ko to sa isang isle doon sa pinaka dulo, marami silang stock, wow, kaya kumuha ako ng kulay purple. I always want to dye my hair noon pa kaso nga may school, now that I think of it, this is the perfect time para kulayan ko na ang buhok ko.
"Hahaha! Akin, pink highlights." Sabi ni Kiana. Kumuha rin ang iba na pampakulay ng buhok. Mga gaya-gaya.
"Para saan pa yan? Nagka zombie na't lahat lahat." Sabi ni Michael habang naka kibit balikat.
"Manahimik ka nalang dyan." Sabi ni EM kay Michael.
"Kulayan moko, Nics. Gusto ko green." Sabi ni Tyrillian.
"Hindi ka ba mag mukhang moss nyan?" Tanong ko habang kinakalikot ang mga gamit.
"Nakakadiring moss." Sabat ni Ren.
Napansin ko pa na bahagyang tumango si Matthew habang umiinom ng apple juice sa tabi ko.
"Gwapo naman po si kuya Tyril." Sabi ni Minerva. Dahil sa narinig ay napa ngisi si Tyrillian at proud na nag kibit balikat. Nginiwian naman namin siya.
"H'wag mo ngang palakihin ulo nyan, Minvers." Sabi ni Ren at inakbayan ang bata at pasimple pang kumuha ng pagkain na hawak ni Minerva. Katabi niya rin si Scout na kumakain ng napakaraming dog food.
Nag simula na kaming kumalikot ng aming pampakulay ng buhok.
Si Tyrillian, kulay green. Ang sabi niya pa umiilaw yun tuwing madilim ang paligid. Kaya magiging neon green. Ewan ko sakanya.
Si Kiana naman ay pink highlights nga lang, katulad daw sa isang character doon sa monster high na cartoon, tapos si Nia ay nag kulay din ng pastel blue, si EM, ayaw kaya normal pa rin ang buhok niya.
Si Ren naman ay kulay red sa dulo ng buhok niya tapos yung roots ay kulay black, ayaw naman ni Matthew, tapos sa akin ay kulay dark purple kasi bakit naman hindi.
"Ang pangit ng iyo." Sabi ni Tyrillian habang naka neon green ang buhok niya dahil dinidiliman ni Ren ang palibot ng ulo ni Tyrillian, ang tanga ni Ren dahil madilim naman na talaga ang paligid dahil gabi na.
"Ewan ko sayo, Beast boy." Sabi ko nalang.
"Yieee, Ikaw si Raven, ganon?" Pang aasar niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Punta lang ako dun, tutulong ako mag luto." Sabi ni Kiana, wala pa kaming sinasabi eh agad niya kaming iniwan.
"Makikipag halubilo nalang ako para maka layo sainyo." Sabi ni EM tapos umalis rin agad.
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Ciencia FicciónThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...