012 : Beginning Of The End

38 15 3
                                        

TRIGGER WARNING: SEXUAL HARASSMENT, R4P3, INTRUSIVE THOUGHTS, MURDER, DEPRESSION, SELF-HARM!!!!

----

EM

"MAE, halika dito at tumulong ka sa pag luto!" Sigaw sa akin ng tiyahin ko.

Agad akong tumayo mula sa aking kama at sumunod kay tiya. Naka tungo lang ako habang tinutulungan siya.

"Hiwain mo ito." Utos ni tiya at binigay sa akin ang mga gulay. Sinunod ko naman siya agad.

"Oo nga pala, maiiwan ka muna dito at mamamalengke ako, siguraduhin mong malinis ang banyo pag dating ko dito aba'y syempre pati na rin ang buong bahay, loka loka ka." Masungit na sabi ni tiya.

Napa lunok naman ako dahil sa sinabi niya.

"Opo, tiya." Sabi ko nalang, pinipigilan ang luha na umagos sa mata ko.

"Magandang umaga, mahal ko!" Sigaw ng aking tiyuhin sa aking tiya na nagluluto.

Nakita ko naman hinalikan niya si tiya sa pisngi dahilan para kiligin siya.

Ramdam ko na tumingin ang tiyuhin ko sa akin kaya dali dali kong tinapos ang pag hihiwa para maka alis na o tumulong nalang sa ibang gawain.

"Oo nga pala, mahal, sabi ko ay ipa-iiwan ko si Mae dito sa bahay para maka pag linis ba siya sa bahay. Bantayan mo siya, ha? Mamaya maging batugan yang batang yan." Natatawang sabi ni tiya.

Natawa naman sakanya si tiyo.

Wag niyo nalang akong iwan. Isama niyo ako sa palengke.

"Osige na, ako na dito." Sabi sa akin ni tiya.

Agad akong kumilos paalis sa kung nasaan sila at dali daling pumunta sa kwarto ko, nilock ko yun at agad na nag kumot.

Mabilis ang aking hininga kaya napa pikit akong ikinalma ang sarili.

Iilang oras na ang naka lipas, nagulat at nataranta ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Kain na daw, Mae." Sabi sa akin ng pinsan ko.

Naka hinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"Mamaya na ako!" Sigaw ko.

Napa lunok akong tumingin sa kutsilyo na tinatago ko, kinuha ko yun at nag simulang umiyak.

Please, wag niyo akong iwan. Please...please...

Ilang oras na ulit ang naka lipas nang may kumatok na naman sa aking pintuan.

Hinawakan ko ang aking pulsuhan at agad na binuhusan yun ng alcohol kaya napa daing ako sa sakit. Sinikap kong wag mag kalat masyado para kokonti lang ang lilinisin ko.

Kumuha ako ng panibagong long sleeves sa drawer ko at agad yun na sinuot.

"Mae." Sambit nito ng pangalan ko.

Ang pag labas palang ng pangalan ko sa bibig niya ay nakakakilabot na. Napa kagat ako sa ibabang labi ko habang naka hawak sa door knob.

Journey To NowhereMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon